XX

76 1 0
                                    


Ivy froze on the spot. She could clearly see the meaning of those words, malamang ang iba ay ganon din.


'Hiyang'?


Napahigpit ang kapit niya sa cardigan na hawak niya. Hindi niya mapigilang manliit kaya napayuko siya.


"Shut up, David!" rinig niyang sigaw ni Sandra at naramdaman niya pa ang marahas na pagtayo nito.


Nagsimula nang magka-gulo sa table nila. May mga lalaki na tumayo na para umawat, yung ibang mga babae naman gusto ring tumulong para pagaanin ang sitwasyon.


"No, let go of me! I will teach this jerk, a lesson!" galit na sigaw ni Sandra habang kumakawala sa hawak ng mga pinsan nila.


Sa kabila naman ng galit ni Sandra ay kalmadong kalmado naman na nakaupo si David, "What? May nasabi ba akong mali?" inosenteng tanong nito.


Dahil sa sinabi nito ay mas lalo lang lumala ang galit ni Sandra, "T*ng*na mo, David! Let go of me! I'll kill him!" namumula na sa galit ang mukha nito dahil sa galit.


Marami na ring ang tumitingin sa kanilang table dahil sa lakas ng sigaw ng pinsan niya. Napa-pikit nalang si Ivy ng mariin. Pakiramdam niya bigla siyang nawalan ng lakas.


Isang pagkaka-mali talaga ang pagpunta dito. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari, hindi nalang sana siya pumayag kahit sermonan pa siya ni Sandra ng ilang oras.


"Enough!" malakas na sigaw niya after mustering up her courage. Marahas siyang tumayo,

 "Sandy, tama na!"

Hindi niya alam kung saan nangga-galing yung lakas ng loob niya ngayon pero ang alam lang niya, dapat mapatigil niya ngayon ang pagwawala ng pinsan niya dahil kung hindi malamang sipain silang lahat palabas dito sa club.


Dahil sa sigaw niyang iyon ay bahagyang natigilan sa wakas si Sandra ngunit ang galit ay bakas na bakas pa rin sa mukha nito.


"Ivy, I brought you here to have fun, hindi para insultuhin ng kung sinong tarantado lang!"


"Ano?! Sinong tarantado ang tinutukoy mo?!" galit na sigaw naman ni David, marahas din itong napatayo ngunit agad din namang napaupo dahil sa hilo.


It was clear that he's so drunk. Kaya siguro ganito ang asal ng lalaki. David was one of her friends before, although hindi sila ganon ka-close, alam niyang hindi siya gaganitohin ng lalaki kaya siguro dahil lamang ito sa kalasingan.


"Ikaw! Sino pa ba?!" sarkastikong sigaw din ni Sandra dito.


Two perfectly adult people, pero ni isa sa dalawa ay walang magpapatalo. Inis na napabuga ng hangin si Ivy.


"I said enough!" hindi niya na mapigilang sumigaw ng may halong inis, "Sandra, I'm okay! You don't have to do this! You said it yourself, we came here to have fun, hindi dapat ganito!"

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon