"Edmer, bilisan mo na ang kilos at andito na pala ang kaibigan mo! Nakakahiya!"
Bumalik ang Lola sa kusina at nabigla si Ivy nang sa likod ng matanda ay may nakasunod na isang lalaki. Mukhang kasing edad lamang ito ni Edmer, mga nasa 18 na din ata ito.
Morenong moreno ang kulay ng balat ng lalaki. Cute at may pilyong kislap sa mga mata nito ngunit mukhang disente naman ang ayos at kilos nito.
Napa ayos siya ng upo nang direktang tumingin sa kaniya ang lalaki. Medyo kinilabutan siya.
Naging sariwa na naman kasi sa isip niya yung mga pangyayari 2 years ago.
"Binabalot ko nalang itong last batch ng cookies. Sandali nalang ito..." Sabi ni Edmer na abala pa rin sa kusina.
"Bilis bilisan mo naman pre. Baka malate na tayo sa mass neto eh!" Nag reklamo ang lalaki at feeling home na umupo sa isa sa mga silya.
Mukhang sanay na sanay ito dito sa inn nila Lola. Siguro ay dahil kaibigan ito ni Edmer.
Kuryosong tumingin ang lalaki sa kaniya at tinuro siya, "Lola sino po siya?"
"Siya si Ivy. Bisita namin dito sa inn." Masiglang sabi ni Lola at hinaplos pa ang buhok ni Ivy.
Napangiti siya, "Ako si Ivy Paladino. Kinagagalak kitang makilala!"
Ngumisi ang lalaki at nag lahad ng kamay, "Ako si Danilo Perez. Tawagin mo nalang ako Danny."
Nagulat si Danny nang ang kamay niyang naka lahad ay biglang malakas na tinapik ng kung sino.
"Awww! Grabe ka naman p're! Masakit ah!" Angil ni Danny.
Masungit naman na sumagot si Edmer, "Hindi siya mahilig sa ganyan kaya tara na't baka mahuli pa tayo sa misa."
Humalik muna si Edmer sa kaniyang ina bago tuluyang umalis na ng kusina, dala ang supot na marahil ay nag lalaman ng mga binake nitong cookies.
Walang lingon na iniwan ni Edmer ang kaibigang si Danny.
Hindi lang pala sa kaniya masungit si Edmer. Pati din pala sa mga kaibigan nito. Mukhang nasa buto na yata ng binata ang pagiging masungit.
"Naku, iyong batang iyon talaga." Naiiling na sabi ni Lola.
Napa kamot nalang din si Danny sa ulo nito, "Oh pano, aalis na rin po ako, Lola! Ingat po kayo!"
Tumakbo na ang binata palabas ngunit nagulat si Ivy nang lumingon sa kaniya ang lalaki at pilyong kumindat.
"Babye, miss byutipul!" Pahabol ng binata at tuluyan na ngang lumundag paalis.
Natatawang napa iling si Ivy. Magkaibigan ba talaga yung dalawang iyon? Ang layo ng ugali nila sa isa't isa ah.
BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomanceAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...