XI

73 2 0
                                    


"What?!" di makapaniwalang sigaw ni Aiden.


The heck! Kung kailan naman naging buo ang pasiya niya na iwasan na ang dalaga ay tsaka naman mangyayari ito!


Sumagot ang tao sa kabilang linya ng tawag, "Hindi ko rin po alam Father eh. bigla nalang pong sinabi ni Mama na siya daw ang papalit sa akin sa program."


Walang gana siyang napa-hilot sa kaniyang noo, "Alright, Edmer. I-It's okay..."


No, it's not. Siguradong mababaliw na naman siya pagnakita ang dalaga. Baka kung ano pang magawa o masabi niya dito.


Ang sabi sa Bibliya, lahat ng tao, masama o mabuti, mahirap o mayaman, panget o maganda, ay anak ng Diyos. Everyone is a child of God.


But why is it that every time he sees her, he doesn't see a child of God?


Every time he sees her, he can only see a woman. A sinfully beautiful woman that ignites flames into his core. A woman who awakens the carnal man that he used to be.


Maybe if he f*ck her once, mawawala na rin tong nararamdaman niya?


Alam niyang mali pero pakiramdam niya tama. Tila isang droga na nilulunod siya. Ilang araw pa lamang niya itong nakikilala pero sadyang matindi ang atraksyong nararamdaman niya para dito.


May ilan pang mga sinabi si Edmer sa linya ngunit wala na doon ang isip niya. Nang ibaba na niya ang tawag ay tumingin siya sa bote ng scotch na kakaunti nalang ang laman.


It was then that he realized this beautiful woman is royally f*ck*ng him up.


***


Monday, 8 AM at Barrio Bagong Pag-asa Elementary school,


Maagang dumating si Ivy sa Elementary School kung saan gaganapin ang feeding program.


Hindi naman ganun kalaki yung school. Mayroon lamang itong 4 na building may tigta-tatlong palapag ngunit ang covered court, kung saan gaganapin ang program ay malaki, halos isa't kalahating basketball court ang lawak.


May stage din sa harap na pinaliligiran ng lobo at mga colored paper na ginupit-gupit upang gawing banderitas. Napangiti si Ivy nang maisip na gawa siguro ito ng mga bata.


Ang payo ni Lola, mas maganda daw kung kumportable yung suot niya kasi may mga palaro daw na gagawin sa program and yes, included sa palaro, hindi lang yung mga bata kung hindi pati na rin ang mga volunteers at teachers.


Kaya naman imbes na mag-dress at sandals ay nagsuot siya ng rubber shoes, pants at white shirt. Naka-pony tail din ang mahaba niyang buhok para di siya mainitan mamaya.


Nakangiting pinagma-masdan ni Ivy ang mga batang maiingay at nagku-kulitan nang biglang may humawak sa balikat niya. Nilingon niya ito at napagtantong si Father Aiden pala ito.

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon