Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay napagtanto ni Ivy tatlo lahat ng silid na pwedeng tuluyan sa inn na ito.
Dalawang ipalapag lang kasi ang inn na ito at may tatlo siyang nakitang pinto kaya nag assume nalang siya na ganun nga.
Anyway, yung kwarto niya ay yung asa gitna, yung may naka sulat na No. 2 kaya binuksan niya ito gamit ang susi niya at agad na pumasok.
Pag pasok ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na inayos lahat ng bagahe niya. Damit, sapatos, tsinelas, at iba pang necessities like toothpaste, toothbrush, suklay at iba.
Nais nya muna sanang mag pahinga at umidlip muna kahit saglit lang bago ang dinner. Sobrang tagal kase ng byahe at dalawang beses pa nga silang nasiraan kaya medyo masakit na talaga ang balakang niya kakaupo.
Ang kaso lang matapos niyang ilagay ang pinaka-huling damit niya sa aparador ay sakto namang naka-rinig ako sa katok sa pinto ng kwarto.
"Ivy, iha? Andiyan kaba? Halikana at handa na ang hapunan."
Mabilis niyang itinabi ang maleta niya na konti nalang ang laman, "Opo, susunod na po ako, Lola."
"Osige, sumunod ka nalang iha. Huwag pag hintayin ang grasya." Bilin nito at nakaramdam si Ivy ng sunod sunod ng yapak ng mga paa.
Mukhang bumaba na ito ng hagdan. Ramdam pala pag may naglalakad sa ikalawang palapag. Sabagay, gawa kasi sa kahoy ang sahig.
Matapos ayusin ang gusot sa kama ay lumabas na rin si Ivy. Bumaba siya ng hagdan at hinanap ang dining room kahit na di niya naman alam ang pasikot sikot dito sa inn.
Di naman siya nabigo dahil agad niyang nahanap ang dining room. Paano? Dahil sa nakakatakam na amoy ng pagkain!
"Lola, ang bango naman po ng niluluto nyo." Puri niya.
Naka-ngiting nag angat ng tingin sa kaniya si Lola. Ito ang nag aayos ng mga plato at kubyertos sa parisukat na mesa na may apatang silya.
"Naku, hindi ako ang nagluto para sa hapunan ngayong gabi. Pero syempre masarap din naman ang mga luto ko." Pag tanggi ni Lola ngunit di pa rin nito nakalimutang purihin ang sarili.
"Hmmn. Ganun po ba? Kailan ko kaya matitikman ang luto nyo?" Pag sakay ni Ivy sa sinabi nito.Tumindig naman sa harap niya ang matanda at mahigpit na hinawakan ang magkabila niyang kamay. Medyo nagulat pa siya sa bilis ng matanda.
"Hamo, bukas para sa umagahan, tanghalian, at hapunan, ako ang mag luluto! Isama mo na rin ang meryenda. Akong bahala!" Proud na sabi nito.
"Ma, pwede ba? Hindi ka marunong mag luto."
Pareho silang napalingon ni Lola sa bagong dating na si Edmer. May hawak siyang tray sa magkabilang kamay na naglalaman ng mababangong pagkain.
BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomanceAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...