XVII

69 2 0
                                    


"Look, dude, sinabihan niya akong may problema sa brain ko? Like, what the f**k?" inis na sabi ni Deavan kay Father Aiden na tila isang batang nagsu-sumbong.


Ni wala itong takot na mag-mura sa harap ng isang Padre.


Aiden wanted to roll his eyes at him, "You know what? She's right." kibit balikat na sagot niya sa kaniyang pinsan.


Ang pinsan niyang ito ang isa sa mga pinaka-malapit niyang kaibigan at isa sa mga naintindihan ang naging pasiya niya na maging isang Pari.


Kahit mukha itong tarantado at loko-loko, mabuti naman ang kalooban ni Deavan. Kung hindi dahil dito ay hindi niya mapo-pondohan nang siya lang mag-isa ang program na ito, every week.


Kahit naging pari na siya at alagad ng Diyos ay andito pa rin si Deavan para suportahan siya sa lahat ng oras. Although, he's such a drama queen, Deavan's like the older brother he never had.


"Dude, isa kang traydor." hinanakit ni Deavan sa kaniya pero hindi niya nalang pinansin ang pag-iinarte nito.


Instead, bumaling siya sa babaeng kanina pa bumabaliw sa kaniya.


Una, nagpa-halik ito sa kamay kay Deavan! Unang kita palang ng dalawa sa isa't isa ngunit naglalandian na ang mga ito sa harap niya?!


Pangalawa, isinubo nito ang daliri ni Deavan! Who in their right state of mind, will do that?!


Pangatlo, nakikipag-flirt pa talaga ito kay Deavan! But him, na mas matagal pa nitong nakilala at iniligtas pa siya ay ni hindi man lang magawang tignan ng maayos?!


Pang-apat, hindi man lang nagpa-picture sa kaniya ang dalaga ngunit nagpa-picture ito kay Deavan! Why?! Mas gwapo ba ang pinsan niya sa mga mata ng Dalaga?! Ang tipo ba ni Deavan ang gusto ng babae?!


Pang-lima, nagpa-halik ang dalaga sa cheeks kay Deavan! At nakipag-heart shape pa ito para sa isang picture kasama si Deavan!


Deavan, Deavan, Deavan!


God, please forgive him, he knew that it's a sin to kill but he really wanted to kill Deavan right now!


Hindi maintindihan ni Aiden at hindi rin niya alam kung ano ba tong nararamdaman niya pero ang alam lang niya, gusto niya sa kaniya lang makikipag-usap ang dalaga, sa kaniya lang tatawa ang dalaga at ang gusto nya sa kaniya lang ngingiti ang dalaga.


Lahat-lahat, sa kaniya lang dapat. Hindi kay Deavan o kahit na kung sino pa man.


He's crazy, he's going crazy!


"Father Aiden?" isang malamyos na boses ang nagpabalik sa kaniya sa huwisyo, "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Ivy.


There's a genuine worry in her beautiful eyes, just for him. This feels so right, he felt relieved.

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon