IX

77 1 0
                                    


"Father Aiden, smile naman po kayo!"


"Father Aiden, papa picture din po ako sa inyo pagka tapos ha?"


"Father Aiden, ang gwapo niyo po dito oh!"


"Father Aiden..."


"Father Aiden..."


Naniningkit ang mga mata ni Ivy habang pinagmamasdan ang mga dalagitang nagpapa pansin sa makisig na padre. Ang Father Aiden naman na tinutukoy ng mga ito ay awkward na awkward ang itsura, nakangiwi habang marahang tinatanggal ang mga kamay ng mga dalagitang naka yapos sa braso nito.


Grabe pala talaga ang kamandag ng Father Aiden na ito. Biruin mo pari na nga pero habulin pa rin ng babae?


Ngayong tuluyan na nga siyang nakalapit ay mas nakita niya na nang malinaw ang itsura ng padre.


Sa totoo lang, kung si Ivy ang tatanungin eh hindi naman kagwapuhan ang lalaki. She had seen better.


Ngunit malakas naman ang dating nito kung titignan. Matangos ang ilong, manipis ang mga labi at maganda ang hubog ng panga ng padreng ito.


Moreno din ang kulay ng balat nito na talaga namang napaka hot tignan at idagdag mo pa ang matipuno nitong katawan.


Kung hindi lang nito suot ang patong patong na puting roba, iisipin talaga ni Ivy na modelo ang padreng ito.


'Gandang lalaki' ikaw nga. Sayang lamang at napili nitong tahakin ang landas ng pagpapari.


Nanlaki ang mata ni Ivy nang bigla siyang tapunan ng tingin ng padre, out of nowhere.


Mariin at nakaka tunaw ang tingin na ibinigay nito sa kaniya. Idagdag mo pa ang malalim na asul na mga mata nito. Yes, he has a set of deep blue eyes na mas nakakadagdag pa sa appeal nito.Dahil sa mga mata ng padre ay nasisigurado ni Ivy na may lahi ito.


Masyadong intimidating at nakaka kaba ang mga titig nito kaya napa iwas nalang siya ng tingin.Medyo nakaramdam siya ng hiya sa padre. Maigi niyang sinusuri ang features ng mukha nito tapos bigla siyang nahuli. Nakakahiya at baka ano pang isipin nito!


"Ah, please excuse me mga iha. Kailangan ko ng umalis."


Narinig ni Ivy ang pamilyar na baritono nitong boses kaya tumingin ulit siya sa padre ngunit napamaang siya nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. May kakaibang emosyon sa asul na mga mata nito na hindi niya mawari kung ano.


This time, hindi na niya nagawa pang mag iwas ng tingin. Nilabanan niya ang nakakalusaw na tingin ng padre habang umingay naman ang paligid dahil sa atungal ng mga dalagitang ayaw pang pakawalan ang padre.


"Pero Father Aiden, hindi pa po ako nakaka pagpa pic!" Angil ng isa sa mga dalagita.


Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon