VIII

80 0 0
                                    


Sunday, 7 AM at Barrio Bagong Pag-asa church,


"Lola ba't hindi po sumabay si Edmer?"


Tanong ni Ivy habang lumilinga sa mataong paligid ng di kalakihang church.


Kung kahapon ay walang masyadong tao dahil sabado, ngayon naman na linggo ay halos di mahulugang karayom ang buong paligid dahil sa dami ng taong pumunta para magsimba.


Hindi pa nga sumapat ang mga upuan para sa mga tao kaya may mga lalaking nag set up ng monoblock chairs sa labas ng church para may maupuan ang iba pang dumadating at dadatin.


Buti nalang at maaga silang nag gayak ni Lola kaya magandang spot ang naupuan nila. Hindi man kitang kita ang mukha at itsura ng mga tao sa altar ay malinaw pa rin naman ang nangyayari kahit papaano at may bonus pa dahil naka tapat sila sa mismong fan!


"Hindi siya nakasama saatin dahil kanina pa siya nauna." Sagot ni Lola Teresita sa tanong niya habang nagpapaypay ito sa sarili.


Hindi mapigilang maweirduhan ni Ivy. Kasi nakatapat na nga sila sa fan...diba? Pero hindi nalang siya nag salita. Walang basagan ng trip.


Tumango nalang siya sa Lola at nag tanong muli, "Oh, edi nasan po siya?"


Tinuro naman ni Lola gamit ang nakasarang pamaymay nito ang sa may bandang kanan ng altar bilang sagot kaya nagtataka siyang lumingon sa direksyong iyon.


Doon ay nakita niya si Edmer na abala sa pagchecheck ng gagamiting sound system para sa misa.


Napatango nalang si Ivy nang mapagtanto na tumutulong din pala si Edmer sa church. Mabuti naman at hindi ito tulad ng ibang kabataan...


"Ah, buti naman po at ito ang napili niyang pagka abalahan." Komento niya.


Seryoso namang tumango si Lola Teresita, "Aba't syempre naman. Baka hindi matahimik ang espirito ni Frederico kung mapapariwa ang anak namin."


Napangiwi siya.


Masakit pa yata para sa matanda ang pag usapan ang tungkol sa yumaong asawa nito. Naalala pa nga ni Ivy ang reaksyon ng Lola at kung paano siya titigan ng masama ni Edmer dahil sa pag tatanong niya about kay Lolo Frederico.


Kaya naman iniba niya nalang ang usapan, "Ang ganda po ng pamaypay nyo, Lola. Saan nyo po ba nabili iyan?" Awkward na tanong niya.


Nagtaka si Ivy nang biglang bumungisngis ang matanda at ngumsi ng malapad sa kaniya, "Ah, ito ba? Regalo ito saakin ni Frederico."


Napakurap nalang ng dahan dahan si Ivy habang pinapanuod kung gaano kaarteng pinaypayan ng Lola ang sarili, tila nang iinggit.


Okay... hindi nalang dapat siya nag salita eh.


Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon