"Father Aiden, tapos ko na pong icheck yung mga computers at sound system dito..."
Napahinto ang mga daliri ni Aiden sa pagtipa, kasabay non ay ang pag tigil din ng malamyos at eleganteng daloy ng musika sa buong paligid ng church.
Naramdaman niyang lumapit at tumayo ang binata sa likod niya, "Father, magaling po pala kayong tumugtog ng piano?"
Ngumiti siya ng bahagya at hinarap ito, "Hindi naman masyado...Edmer, aalis ka na ba?"
"Opo, father. May mga assignments pa po akong dapat tapusin." Tumatangong sagot ng binata.
"Hmmn, mag iingat ka." Bilin niya. "At paki kamusta na din ako kay Lola Teresita..."
...at kay Ivy.
Nais niya sanang idagdag ang dalaga ngunit buti nalang at napigilan niya ang sarili niya.
"Opo, father Aiden." Saad ng binata at umalis na.
Pagka alis ni Edmer sa church, Aiden threw one last look to the whole empty church before going to the rectory.
Today was one of the rarest day na halos walang naka schedule na meetings sa kaniya. Yung ika-counsel niya din dapat ng hapon ay hindi rin sumipot dahil may emergency daw.
He had the whole evening for himself kaya nilibang niya ang sarili sa pag wowork out sa rectory.
Matapos ay nagluto ng sarili niyang dinner. Bawal ang katulong sa rectory kaya lahat ng gawaing pambahay tulad ng pagluluto, paglilinis, at paglalaba ay siya rin mismo ang gumagawa.
It was already 9 in the evening when he finished his dinner. Nag hugas siya ng pinag kainan at nagbukas ng wine para makatulong sa kaniya sa pag-tulog.
After drinking a few glasses of wine, he recited his prayers to God and then went asleep.
***
Naalimpungatan si Aiden nang maka rinig siya ng ingay mula sa kusina. Bumangon siya at alertong tinungo ang direksyon papunta sa kusina.
Napahigpit ang hawak niya sa rosaryong hawak niya habang naglalakad. Malakas ang pintig ng puso niya habang tahimik na umuusal ng panalangin sa kaniyang isipan.
Sino ang may lakas ng loob na nanakawan ang simbahan? Anong mapapala nila? Wala namang mga alahas, pera o ano pa mang mamahaling bagay sa lugar na ito.
Habang papalapit ng papalapit ay naging mas malinaw sa pandinig ni Aiden ang matamis na tawa ng kung sino.
Ngunit sa hinuha niya ay babae ang nadidinig niyang ito. Tumatawa ang babae at tila may kinakausap.
BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomanceAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...