XIII

73 2 0
                                    


Ivy looked at Father Aiden in disbelief.


"Akala ko ba ayaw mong sumali sa mga ganito?!" maging si Deavan ay nabigla din.


Tuluyan na nga siyang hinatak ni Father Aiden kaya naman napabitaw na si Deavan sa kaniya, "Gusto ko na ngayon," simpleng sabi nito at hinawakan ang kamay niya.


Nawe-weirduhan siyang tumingin sa malapad na kamay nitong nakahawak sa kamay niya.


"Bro, ang weird mo!" inis na sabi ni Deavan at umalis na ito para humanap ng ibang kapareha.


Ni hindi na nito tinawag na Father ang padre pero mukhang sanay naman na si Father Aiden dito dahil parang wala lang ito sa kaniya.


"Let's go," Aya sa kaniya ni Father Aiden at hinila ang kamay niya patungo sa mga maglalaro din para sa Paper dance.


"T-Teka..." usal niya at unti-unting inalis ang pagkaka-hawak nito sa kamay niya.


Baka kasi iba ang isipin ng mga makaka-kita, mahirap na.


Bahagyang natigilan naman ang padre, tila ngayon lamang napagtanto ang ginawa nito. Hihingi sana ito ng tawad sa kaniya nang umiling siya at ngumiti dito.


"Ayos lang po, Father." sabi niya at tumungo na sa iba pang mga manlalaro. Tahimik namang sumunod sa kaniya ang padre.


Sinabi na ng teacher ang rules ng larong Paper dance. Nag-provide sila ng dyaryo na siyang tatapakan ng pairs sa tuwing hihinto ang patugtog. Tapos bawat round ay dapat daw itutupi ang dyaryo ng paunti-unti. Kung sino ang matira ay yon ang panalo.


"Oh, ready na ba ang mga players?" masiglang tanong ng teacher. Naghiyawan naman ang lahat bilang sagot, kasama na rin siya doon. Si Father Aiden naman ay tuwid lamang ang tayo, nakangiti at... well, yun lang.


Parang hindi ito maglalaro sa expression nito. Wala man lang kaba or excitement na makikita sa mukha nito. Ang boring kasama. Napanguso tuloy siya.


Sakto namang umandar na ang patugtog at nagsimula nang magsayawan ang mga manlalaro, kasama na din siya don pero si Father Aiden...


She bit her lips and swallowed her laugh. Mas malala pa pala sumayaw to kay Deavan eh!


Napatakip siya ng kaniyang bibig para di matawa ng tuluyan habang pinapanuod ang pagsayaw nito na sobrang awkward.

Ang tigas tigas ng katawan!


Nagulat siya nang bigla tumigil ang sayaw at nataranta pa siya dahil naghiyawan ang lahat!


Buti nalang at mabilis ang reflexes ng padre at agad siyang nahila nito para umapak sa dyaryo na kasing laki ng dalawang pahina.


Naapakan niya pa nga ang suot na rubber shoes ni Father Aiden dahil sa laki ng paa nito. Napahawak din siya sa matipunong mga balikat ng padre upang mabalanse ang sarili niya at hindi mailabas ang sarili sa dyrayo dahil madi-disqualified sila.

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon