XII

72 1 0
                                    


Bumaling si Ivy kay Deavan. Nagta-tanong ang kaniyang tingin pero nagkibit balikat lamang sa kaniya ang binata, maging ito ay nagta-taka rin sa ikinilos ni Father Aiden.


Naguguluhan man ay sumunod pa rin sila sa padre at dumiretso na sa kanilang table. May table kasi para sa mga volunteers at nang makarating sila doon ay napagtanto niyang tatlo lang pala silang doon: Siya, si Deavan, at si Father Aiden.


Kunot na kunot ang noo ni Father Aiden habang naka-tingin sa harap, ni hindi man lang sila binalingan ng tingin nang umupo na sila ni Deavan.


Na-awkward-an tuloy siya bigla pero si Deavan ganun pa rin ang ekspresyon, ngiting ngiti habang kumakaway sa mga tao.


Taas kilay niyang pinapanuod ito hanggang sa nagsalita na ang emcee ng program na siyang teacher din sa school na ito.


"Magsi-simula na po ang program, maaaring magsi-tahimik na ang lahat dahil sisimulan na ang pambungad na panalangin," sabi ni Ma'am.


Di nagtagal ang may batang babae ang biglang umakyat sa stage at pinangunahan ang panimulang panalangin. Sumunod naman non ay mataimtim na kinanta ng lahat ang National Anthem.


After singing the Nation Anthem ay bumalik na ulit ang teacher sa stage para sa opening remarks at introduction to the volunteers, which is silang tatlo kaya naman nang tawagin sila isa-isa ng emcee ay tumayo sila at nagbow sa lahat as a response.


"Maraming salamat sa pagtulong niyo para sa ikabubuti ng aming eskwelahan at pati na rin ng mga kabataan!" sinserong sabi ng teacher at nagbow sa kanila.


Nagpalakpakan naman ang lahat.


Nag-angat ng tingin si Ivy sa dalawang katabi niya para tignan ang mga expressions ng mga ito. Si Father Aiden ay may munting ngiti lang sa labi samantalang si Deavan naman ay halos abot langit na ang ngiti.


Napailing nalang siya at ibinalik ang tingin sa Health and Nutrition Video na pino-project nila sa stage para mapanuod nila at ng mga bata.


It lasted for almost an hour dahil kasama na don yung Q and A sa pagitan ng mga teacher at bata and finally!


Start na nga mga palaro!


Umingay ang buong paligid dahil sa excited na mga sigaw ng mga kabataan at dahil na rin sa mga kantang pinapa-tugtog sa mga speakers.


Dahil tuloy dito mas lalong ginanahan si Ivy.


Ang unang laro na sinalang ay ang stop dance kaya nag porma na sila at ilang mga teachers ng malaking pabilog ng mga upuan para madaming bata ang maka-sali.


Mayroon lamang na 15 na upuan sa bilog kaya naman kailangan ng 16 na players na agad namang napunan dahil madami rin ang gustong sumali sa laro.


At syempre kasama rin siya at pati na rin si Deavan. May premyo rin daw kasi kapag nanalo but she isn't after the reward though. Talagang gusto niyang sumali dahil mukhang masaya.

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon