At dahil patapos na rin ang program, sa huli ay sinabi na rin ang closing remarks. Matapos non ay naganap na nga ang picture taking.
At syempre pag-usapang picture taking eh hindi mawawala dyan yung mga babaeng gustong magpa-picture kay Father Aiden but this time, hindi na mga dalagita ngunit mga teachers naman.
Tahimik naman silang dalawa ni Deavan na nakaupo sa table nila habang pinapanuod ang lahat na nagkaka-gulo para sa picture taking. At mula sa kinauupuan nilang dalawa ay kitang kita nila ang kumpol ng mga babaeng nag-uunahan magpa-picture kay Father Aiden.
Ang padre naman ay halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa mga kamay na kabila't kanang naka-lingkis sa kaniya. Natawa tuloy si Ivy sa itsura nito.
"Bakit sakin walang gustong magpa-picture?" seryoso at malamig na tanong ni Deavan sa kaniya.
Sakto namang umiinom siya ng tubig nung nagtanong ang binata kaya naman nabulunan siya nang wala sa oras. Natatawa niyang kinuha ang tissue na iniabot ni Deavan sa kaniya at nagpunas.
Sa totoo lang gwapo din naman talaga itong si Deavan ngunit mas malakas lang talaga ang appeal ni Father Aiden. Yon ay opinyon lang naman ni Ivy but of course, there's no need to say that out loud bago tuluyan na nga talagang umiyak itong si Deavan sa kaniya.
Natatawa man sa sitwasyon ngunit bilang pakonswelo ay pinilit niya ang sarili na magpa-cute sa harap ng binata, "Picture tayo?"
Pilit niyang ginagaya kung paano magpa-cute yung mga babae na nagpapa-pansin kay Father Aiden. Nagplease sign siya at nag-pout kay Deavan, siguro mukha na siyang ewan sa ginagawa nya ngayon.
"Eww." nandidiring usal ng binata sa kaniya at mahinang tinampal ang noo niya kaya napatigil tuloy siya sa pagpapa-cute dito.
Wow. Ang choosy ha. Inis na sinamaan ito ng tingin ni Ivy habang hinihimas ang noo niya.
"What's with that look? Crazy woman." naka-ngising sabi nito sa kaniya ngunit ang kamay naman nito ay kumuha ng cellphone at mabilis na iniharap sa kanilang dalawa.
Nagulat siya nang agad na may tumunog na 'click'. Nag-take na pala ito ng picture kahit hindi pa siya ready! Mukha siguro siyang ewan doon!
"Deavan!" naiinis na bulyaw niya atsaka pilit na inagaw ang cellphone ng binata ngunit dahil nga mahaba ang braso ng lalaki ay mabilis nitong nailayo ang cellphone mula sa kaniya.
Halos umusok na ang ilong niya sa pagka-asar dito kaya tumayo siya para mas maagaw niya yung cellphone nito pero tumayo din ang lalaki kaya mas nahirapan lang siya dahil sa tangkad nito.
Sinubukan niyang tumingkayad ngunit di pa rin niya maabot. Naiinis siyang napatadyak sa sahig habang si Deavan naman ay malakas na humalakhak sa kaniya.
Tatalon na sana siya para maagaw yung phone nang bigla siyang inakbayan ng binata at inilapit sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang bigla siyang makaramdam ng mainit at malambot na bagay na dumapo sa kaniyang pisngi. Kasabay non ay ang pag-click ng camera. Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi na naka-palag pa si Ivy.
BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomansAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...