VI

69 1 0
                                    


Satuday, 7 AM at Barrio Bagong Pag-asa Church,


Kinabukasan, maaga silang umalis ni Lola Teresita upang pumunta sa Church ng Barrio Bagong Pag-asa. Mga 10 minuto na din ang nakalilipas nang pumasok si Lola sa Confessional upang magkumpisal.


Siya naman ay nililibang lamang ang sarili sa pag sipat sa paligid ng simbahan. Kahit na napaka simpleng tignan ng simbahan, malinis naman at mukhang alagang alaga dahil walang ni isang kalat o alikabok sa paligid at mga upuan.


Maganda at payapa din ang environment dahil sa mga tanim na mga puno, halaman at mga bulaklak sa buong paligid ng gusali.


At mukhang maraming pumupunta dito sa simbahan. Kahit kasi sabado ay maraming tao pa din ang dumalo para sa misa kanina. Karamihan sa mga dumalo ay umalis na pero may iba pa rin na nanatili at taimtim na nagdadasal.


Halos malaglag sa gulat ang puso ni Ivy nang biglang may humawak sa balikat niya. Agad niya siyang lumingon.


"Iha, masyado ba akong matagal? Pasensya kana ha." Pag hingi sa kaniya ng tawad ni Lola Teresita.


Ivy sighed in relief. Oo nga naman, nasa simbahan siya at walang masamang mangyayari sa kaniya sa lugar na ito.


Nang maka bawi ay ngumiti siya sa matanda, "Hindi po, ayos lan---"


Nanlaki ang mga mata niya nang hilain siya ng matanda sa unahan ng pila sa confessional.


"T-Teka po, Lola!" Angil niya ngunit hindi siya pinansin ng Lola, sa halip ay bumaling ito sa mga naka pila at ngumisi ng bahagya.


"Pasensya na kayo ha? Ililibre ko nalang kayo ng masarap na meryenda mamaya!" Saad ng Lola sa apat na taong naka pila at malakas siyang tinulak sa loob ng confessional.


Gusto pa sana niyang umangal ngunit mabilis na nitong isinara ang kurtina. Malakas na napa buntong hininga nalang si Ivy.


Nag aalangan pa siya ng una kung tutuloy ba siya o aalis nalang. Atsaka nakalimutan niya na yata ang ginagawa sa confessional sa sobrang tagal niya na nang huling pumasok ng simbahan.


Pero dahil nga medyo nakaramdam din siya ng pagka guilty dahil nga 'sumingit' lang din siya sa pila kaya bibilisan niya nalang para matapos na!


After she had made her mind, mabilis siyang lumuhod, nag sign of the cross at pumikit but after a minute parang biglang nag blanko yung utak niya... talagang nakalimutan niya na ang sinasabi kapag magkukumpisal....


"Well?" Isang baritonong boses ang biglang nagmula sa kabila ng screen.


Gulat na napa angat ng tingin si Ivy ngunit dahil nga hindi visible ang tao sa kabila ay pumikit nalang ulit siya.


Nakakahiya! Hindi siya prepared eh! Mukhang naiinip na din sa kaniya si Father...


"Uhh...umm...b-blessed me, father, for I have sinned...my last confession was... from t-three years a-ago." Nangangapa pa siya sa pag sasalita. Tama naman yung mga sinasabi niya...diba?

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon