Nang huminto ang music mabilis na yumuko si Father Aiden para abutin ang likod ng mga tuhod niya habang ang isang braso naman nito at humawak sa braso niya at sa isang iglap, nabuhat na agad siya ng padre into princess style.
Napasinghap siya. What the! Hindi lang pala display ang muscles nito, talagang kaya kayang siyang buhatin ng padre tulad ng sinabi nito kanina!
Kinakabahan siyang kumapit sa leeg ni Father Aiden. Hindi man siya kumportable sa ayos nila ngayon ay wala naman siyang magagawa dahil kapag naglumikot siya siguradong matatalo sila.
Natigilan si Ivy nang makaramdam siya ng mainit na hininga sa mismong gilid ng mukha niya! At hindi niya na kailangan pang lumingon upang malaman na sobrang lapit ng mukha ng makisig na pari sa kaniya.
Kinakabahan niyang iginala ang mga mata sa paligid upang malaman kung pinag-titinginan na ba sila ng mga tao but then she sighed in relief when it seems that no one actually cares. Masaya at abala pa rin ang lahat sa kaniya kaniya nilang mga ginagawa.
Teka, bat ba pakiramdam niya may ginagawa silang masama? The heck, it's just a game!
Mabilis na napukaw ang atensyon niya nang marinig ang marahas na pagsinghap ni Father Aiden. Nabigla pa siya nang makitang kanina pa pala nakatuon sa kaniya ang taimtim na titig nito ngunit ang pagka-bigla ay agad na napalitan ng pag-aalala.
"Masyado ba akong mabigat?" tanong niya kay Father Aiden.
Napalunok muna ng malalim ang padre bago naka-sagot sa kaniya, "No, you weight nothing, actually." sagot nito sa kaniya.
Napaiwas siya ng tingin nang wala sa oras. Paano ba naman kasi, yung mainit na hininga ng padre, direkta talagang tumatama sa pingi niya. Naiilang tuloy siya!
At ewan niya kung imagination niya lang ito pero parang naramdaman niyang mas lalong humigpit ang yapos ni Father Aiden sa bewang niya? Oh, baka naman guni-guni niya lang iyon?
"I'm sorry, mabigat ako." paghingi niya pa rin ng tawad dito at hiniling sa isip na sana ay mas bilisan pa ni ma'am yung pagbibilang.
Grabe, 1 to 5 lang pero feeling niya sobrang tagal na!
"3... 2...one--" malapit na sanag matapos ang pagbibilang ng teacher ngunit isang malakas na tili ang pumutol dito.
"--AHHHH! Pervert!"
Napalingon si Ivy sa pinagmumulan ng tiling iyon at nakita ang isang babaeng nagpu-pumilit na kumawala sa pagkaka-karga ng isang matangkad na lalaki.
Naweirduhan pa siya sa ayos ng dalawang ito dahil yung position nila ay parang pa-piggy back ride pero nasa harap ang babae. Yung position nila ngayon parang...
Nag init ang magkabilang pisngi niya sa naisip.

BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomansaAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...