X

78 1 0
                                    


"Lola, tingin ko kasi... hindi niya ako gusto?" kagat labing sagot ni Ivy sa matanda.


Sakto namang umiinom ng tea si Lola Teresita ngunit napaubo ito nang marinig ang sinabi niya.


Nahihiwagaang tumingin sa kaniya ang matanda, "At bakit ka naman niya dapat 'magustuhan'?"


Nabigla siya at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang laman ng tanong na iyon. Hindi naman ganun ang ibig niyang sabihin!


"Lola naman!" angil niya na ikinatawa lang ng Lola.


"Ikaw naman! Nagbi-biro lang ako!" naka-ngising sabi nito at uminom ulit ng tea.


"Ang ibig kong sabihin ay para kasing... galit siya? Parang galit siya noong nagkausap kami." kunot noong sabi niya.


Di niya talaga mawari kung ano bang nagawa o nasabi niyang mali dahil upang maging malamig ang trato sa kaniya ni Father Aiden.


Ni hindi nga nito tinanggap ang pagpapa-salamat niya, sa halip ay tila nagmamadali itong umalis na para bang mayroon siyang nakakahawang sakit.


Oh, baka naman dahil sa paghawak niya sa kamay ng Padre?


Baka hindi nito nagustuhan iyon. Naaalala niya pa kung gaano ka awkward ang itsura ni Father Aiden habang tinatanggal ang mga kamay ng mga dalagita sa braso nito.


Teka, yon din ba ang tingin sa kaniya ng Padre? Na tulad lang din siya ng mga dalagitang nagka-kandarapa dito?


Napasinghap siya sa realisasyon at marahas na napatayo.


Gulat namang tumingin sa kaniya ang Lola, "Iha?"


"Lola, hinawakan ko kasi yung kamay niya noong nag-uusap kami!" 


Tumaas ang kilay ng Lola, "At bakit mo naman hinawakan ang kamay niya, aber?"


Napa kurap siya sa pagka-bigla. Well... thankful lang naman kasi talaga siya!


Noong unang nangyari sa kaniya iyon ay ang Itay niya ang nagligtas sa kaniya at ngayong pangalawang pagkaka-taon naman ay ang Padre ang nagligtas sa kaniya.


Hindi niya mapigilang makita ang kaniyang yumaong Itay sa katauhan ni Father Aiden dahil sa nangyari.


At isa pa, talagang nami-miss niya lang talaga ang Itay niya...


"Ivy?" basag ni Lola Teresita sa mga iniisip niya.


Ngumiti siya sa matanda at umupo na ulit, "Hinawakan ko lang naman yung kamay niya kasi sobrang nagpapa-salamat ako dahil sa kabutihan niya sa akin. Yun lang." Simpleng sabi niya at lumagok ng tea.

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon