XIX

72 1 0
                                    


Saktong nagdi-dilig ng mga halaman sa garden nang biglang tumunog ang cellphone niya.


Saglit niya munang pinatay ang tubig at dinampot ng cellphone niya mula sa mesa.


"Sandy? Napatawag ka?" pagka-sorpresa ang bumalatay sa mukha ni Ivy nang sagutin ang tawag. Ilang araw pa lamang siya sa Barrio pero napatawag na agad ang pinsan niya.


Hindi kaya may nangyari sa Maynila?


"Yeah, kamusta kana dyan? Nakaka-kain kaba ng maayos? Ayos ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ni Sandra mula sa kabilang linya.


Hindi niya mapigilang matawa sa pagka-taranta nito, "Oo naman, ayos lang ako. Ikaw ba?"


"Wow, ilang araw ka palang andyan, pero mukhang ang saya saya mo ha?"


Natatawa siyang tumungo sa isa sa mga upuan at umupo doon, "Hmm, Sandy, mukhang tama ka nga. Kailangan ko talaga itong bakasyon. Salamat ha."


Agad na sumagot ang nasa kabilang linya, "Salamat lang? Mamayang gabi, samahan moko sa isang club na alam ko! Ayokong mag party mag isa."


"Ano? Pano naman ako pupunta dyan? Wala akong dalang kotse dito no," Ivy refused indirectly.

 Hindi naman sa ayaw niyang samahan ang pinsan pero wala kasi siya sa mood para uminom at magsaya.


Sa ngayon gusto muna niyang mag-focus sa mga bagay na tingin niya tunay na magpapasaya sa kaniya tulad ng ginawa niya noong nakaraan na nagvolunteer siya para sa isang feeding program para sa mga bata.


Magmula nang araw na iyon ay napagtanto ni Ivy na masaya palang tumulong at magpasaya ng ibang tao kaya naman gusto niya sanang ulitin pa iyon.


Sa mga nagdaang araw eh puro paghahanap ng mga community services na pwede niyang gawin ang pinagka-kaabalahan niya. And so far, ang nagagawa niya palang ay yung pagtuturo sa mga kinder-garten students which is dalawang beses niya palang din nagawa.


"Ipapasundo nalang kita atsaka malapit lang yung club dyan no. Sige na, I won't take no for an answer!" pagpu-pumilit ni Sandra sa kaniya.


Kumunot ang noo ni Ivy. May malapit pala na club dito sa Barrio? Kung ganon ay may malapit lang din na bayan dito?


Napabuntong hininga siya, "Oo na, anong oras ba?" ano pa nga bang magagawa niya. Kung magpupumilit pa siyang tumanggi eh sigurado sermon aabutin niya dito sa mala-tigre niyang pinsan.


"AHHHH! Thank you! Thank you!" masayang tili ni Sandra mula sa kabilang linya.


Napangiwi siya dahil sa lakas ng pagtili nito. Hindi niya talaga alam kung girly o boyish itong pinsan niya eh. "Hinaan mo naman yung boses mo, hindi ako binge no!"


"Ihh, sorry! Natutuwa lang kasi ako. Oh sige na, mamayang 9 ha? Ipapasundo nalang kita mamayang 7. Sige na babye na, ingatz!"

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon