IV

78 0 0
                                    


"I'm sorry, Ivy. Hindi ko ginustong saktan ka. Ang gusto ko lang maka sama yung taong mahal ko. Nagmamahalan kami Ivy... alam kong mali na hilingin to pero please... palayain mo na siya!"

...

"I'm so sorry, Ivy. I'm very sorry. Ginago kita... sadyang hindi ko talaga mapigilan yung nararamdaman ko eh. Mahal na mahal ko sya."

...

"Kasalanan mo kung bakit namatay ang papa mo, Ivy! Anong naging kasalanan namin sa Diyos para bigyan kami ng isang anak na tulad mo?!"

...

"Miss, wag ka ng umangal. Umungol ka nalang! Bro, ayos na ayos to ah! Hahahaha!"

...


"AHHHHHH!" Malakas na sigaw ni Ivy at marahas na napa bangon.


Hingal na hingal siya at tagaktak ang pawis. Tumutulo ang mga butil ng pawis mula sa kaniyang noo hanggang sa kaniyang leeg. Basang basa na rin ang damit na suot niya at pati na rin ang kamang hinihigaan niya.


Mariin siyang napa pikit at pinabilog ang kaniyang mga kamao. Nanginginig ang buong katawan niya. Parang gusto niyang mag wala. Gusto niyang manakit. Parang gusto niyang pumatay!


Dalawang taon na ang nakalipas... akala nya nakalimutan niya na. Akala niya tapos na siya dito.


Akala niya hindi niya na ulit mapapanaginipan ang mga bagay na iyon.


Akala niya okay na siya...pero bakit bumabalik na naman ang mga alaalang na iyon na pilit niya na ngang kinakalimutan?!


"Iha, Ivy?!"


Napakurap si Ivy nang marinig ang tarantang tawag ni Lola sa kaniya mula sa iba. Di na siya nagulat nang may mag bukas ng pinto ng kwarto niya. Ramdam na ramdam kasi ang nagmamadaling yapak ni Lola sa kahoy na sahig.


Taranta siyang dinaluhan ng matanda. Hinawakan nito ang kanang kamay niya at puno ng pag aalala ang kulubot na mukha nito.


Kahit di niya gustong ngumiti sa oras na iyon ay pinilit niya pa din na ngumiti, "Lola, ayos lang po ako..."


Sa loob loob niya ay pilit niyang pinakakalma ang sarili.


"Iha, ang nangyaring iyon kagabi..."


Marahas niyang binawi ang kamay niya mula sa pagkaka hawak ng matanda.


"Wala! Wala lang ang bagay na yon!" Mabilis na sigaw niya.


Nanlaki ang mata ng matanda at napa singhap.


"Iha?" Di maka paniwalang tanong nito.


Maging si Ivy din naman ay nagulat din sa inasal niya. Hindi niya na nakontrol ang emosyon niya.


Bigla tuloy siyang naguilty kaya mabilis niyang pinalambot ang ekspresyon niya.

"L-Lola, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang pag taasan kayo ng boses. M-Magulo pa po kasi ang isip ko sa ngayon dahil sa nangyari..."

Father AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon