Di nagtagal ay natapos na rin ang Paper dance. Ang mga sumunod naman na laro ay Group yourselves, Bring me, and Longest line at marami pa pero hindi na magawa pang sumali ni Ivy sa mga iyon.
Dahil kasi sa nangyari ay wala na siya sa mood. Tahimik nalang niyang pinanuod ang mga naglalaro while occationally cheering on them.
Si Father Aiden naman ay natahimik nalang din at hindi na siya tinititigan habang si Deavan naman ay ipinagpa-tuloy ang pagiging competitive nito habang sumasali sa halos lahat ng palaro.
Nang pumatak na ng 11 O' clock ay sakto naman na natapos na ang mga palaro at oras na para sa Food distribution.
Nabasag ang awkward na atmosphere sa kanilang table nang tumayo si Father Aiden at tumulong sa mga nagli-ligpit ng mga ginamit sa palaro kanina.
Ang mga bata naman ay nagsi-balikan na sa kanilang mga upuan habang siya naman ay tumulong sa mga nag-di-distribute ng foods.
Nagulat si Ivy nang biglang lumapit sa tabi niya si Deavan. Sumunod pala ito sa kaniya at mas lalo siyang nagulat nang akbayan siya nito while putting his whole weight on her.
Kunot noo siyang nagtaas ng tingin sa lalaki, "Hoy, ang gaan mo ah?" sarkastiko niyang sabi at pilit na tinatanggal ang braso nito sa leeg niya.
Naka-ngisi namang nagbaba ng tingin si Deavan sa kaniya, "I know right."
Pinaningkitan niya ito ng mata, "You're not funny, Deavan." mataray na sabi niya dito ngunit ang naniningkit niyang mga mata ay nanlaki ng di oras nang biglang lumapit ang mukha ng binata sa kaniya.
Halos isang dangkal nalang ang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa at halos mag-dikit na ang mga ilong nilang dalawa.
Napasinghap siya, "A-Ano bang ginagawa mo?!" nauutal na bulyaw niya dito at mahinang hinampas ang balikat ng lalaki para mapalayo ito.
"You're blushing!" naka-ngising pang-aasar ni Deavan sa kaniya bago nito tuluyang ilayo ang mukha sa kaniya.
"Y-You..." di maka-paniwalang tumingin si Ivy sa binata at dinuro ito.
So, trip lang siya nito?!
Napakurap siya habang naka-tingin kay Deavan na masiglang tumutulong sa pag aayos ng kubyertos at mga plato. Sa huli ay napailing nalang siya.
A certified playboy. Confirmed!
"Ma'am, pwede ba akong magpatulong sayo sa pagse-serve ng mga ito?"
Naagaw ang atensyon ni Ivy nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran. Isang babaeng teacher ang nagsalita, mukhang nasa mga middle 30's na ito at may hawak na tray ng mga platong may laman na kanin.
"Yes, of course!" mabilis na sabi niya at agad na kinuha ang tray na hawak nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/279912406-288-k927134.jpg)
BINABASA MO ANG
Father Aiden
RomantizmAR. IVY PALADINO, a 27-year old beautiful woman with a grim past that hunts her all the time. As a result, her life was ruined for almost three years. She had done all kinds of vices: Smoking, alcohol addiction, having fun with different strangers e...