01

35 5 3
                                    

"Ma'am,"

"We're in the mid of discussion, Miss Adizer!" sabat nang pesteng class monitor dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"Pakialam mo?! Emergency 'to," pasaring na sagot ko bago bumaling sa lecturer. I gasped. "Ma'am, kailangan po ako ng Nanay ko. Pinapaalis daw po kasi kami sa apartment," mahina at magalang na sabi ko kahit kabado na.

Bakas sa ekspresyon ng guro ang awa at pag-aalala. Mabilis siyang tumango bilang pagpayag. "Mag-iingat ka. I'll tell your lecturer to your following subjects to excuse you."

"Hindi na po kailangan pero . . . salamat po," sagot ko, at hinigit na ang bag ko mula sa upuan ko. Tinapunan ko ng tingin si Zai bago tuluyang lumabas. Tinakbo ko na ang sakayan dahil ayo'kong maghintay si Nanay. Hindi pa nakatulong na wala talagang dumadaan na jeep sa ganitong oras.

Isang pamilyar na kotse ang pumarada sa tapat ko. "Get in," tipid na sabi ng aking kaibigang lalaki. Tumango ako at agaran na sumakay sa kaniyang sasakyan. Something enveloped my heart. Umalis siya sa klase para samahan ako. I felt kind of guilty pero mas nangibabaw pa rin ang tuwa sa akin.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to, Oli, pero salamat," sabi ko habang inaayos ang seatbelt ko. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin habang nagmamaneho siya habang ako naman ay nakaabang lang sa cellphone ko, baka mag-text ulit si Nanay ng update.

Nang makarating kami sa tapat ng apartment, kaagad akong bumaba at hinarap si Nanay. She glanced at Oliver before averting her gaze to me.

"Makikiusap tayo, Nay!" agarang sambit ko ngunit umiling lang siya.

"Ilang buwan na tayong hindi nakakabayad, Yezh. Ayaw nang tanggapin ng may-ari ang pera dahil kulang. Marahil nga'y nararapat na munang huminto ako sa aking pag-aaral upang makapagtrabaho nang maayos, at sumahod ng malaki at buo," mahinahong pahayag niya. "Tinatanggap naman sa pinag-apply-an kong call center ang mga high school graduate, e."

"Hindi po! Hindi ka titigil sa pag-aaral, Nanay. Kung kinakailangan, magtratrabaho rin ako. Huwag mong akuhin ang lahat, Nay. Dalawa tayo. Hindi ka mag-isa. Tayong dalawa dapat ang humaharap sa mga problema. Tayong dalawa dapat ang gumagawa ng paraan upang maresolba ang lahat," mahabang litanya ko. Mabigat ang paghinga ko habang nagsasalita. My vision's kind of blurry because of my tears - gradually pooling my eyes.

She gave birth of me at a very young age. She was an orphan kaya walang tumulong sa amin. 'Yong tatay ko naman ay umalis at tinalikuran ang responsibilidad niya sa amin. We've been through a lot. Wala kaming kaibigan, o kahit sino na puwedeng malapitan. Pero nagawa pa rin naming lagpasan ang lahat ng pagsubok. At alam kong makakaya rin namin itong lagpasan.

"Pero-"

"I called Mrs. Guada De Lana. May isa pa raw po siyang apartment. Ako na po ang bahala sa down-payment," sabat ni Oli mula sa likod ko. I swallowed the lump in my throat and ran to give him a 'thank you' hug.

"Babayaran ka namin kapag nakapag-ipon na kami!" mabilis na tugon ko.

"Hindi na kailangan, Yezhua," sagot niya. Ngumuso ako at binigyan siya nang matalim na tingin.

"Salamat. Pero babayaran ka pa rin namin, Oliver," ani Nanay. He chuckled before nodding, wala nang choice.

He helped us carry our baggage and some stuffs and put them in his car. Matiman lang kaming nakikinig habang nagpapaliwanag ang matanda. Nang papasukin ay agaran din naming inayos ang mga gamit.

Malapit lang ang apartment sa eskuwelahan kaya hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng masasakyan. Lalo pa't walking distant lang ito.

Hindi na ako pumasok sa sumunod na klase. Sa halip ay naghanap ako nang puwedeng pasukan na trabaho without my mother's knowledge. Saka ko na sabihin kapag natanggap na ako.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now