Walang klase dahil semester break namin. Panay pa rin ang sagutan namin no'ng monitor bago mag-sem break kaya talagang naubos niya ang pasensiya ko.
Nagyayaya ngayon sila Jessica sa Tiyatro ngunit may trabaho ako. At isa pa, may gig ang Nebula roon kaya paniguradong magkikita ulit kami ni Desmond kung kaya't hindi na ako pumayag. Wala rin pala akong pera.
Abala ako sa pagkuha ng orders nang tumunog ang phone ko.
Sumulyap ako at nakita ang message ni Oli.
Oliver Ethan: I'll pick you up later.
Iyon pa lang ang sinabi niya pero alam ko na ang dahilan. Wala akong nagawa kung hindi ang pumayag na lang dahil nakapagpaalam na raw sila kay Nanay. Ayaw naman akong alisan ng karapatan na maging masaya ni Nanay kaya pumayag. She's really confident with Oli at sigurado talaga siyang hindi ako pababayaan ng lalaki.
"I would love to go here moreover kung kasing marilag ni binibining Yezhua naman ang makikita ko," pahayag ni Charlie. I gave him a disgusted looked.
Tumawa lang siya. Umirap ako at nagpalit ng damit sa CR. Nakasuot lang ako ng kulay rosas na short-sleeved turtle neck dress na hanggang taas ng tuhod ko ang haba, at puting sandals na may isang pulgadang takong. Naglagay lang ako ng pulbos at baby cologne bago lumabas.
Nagpaalam ako kay Mrs. De Lana na siya rin palang may-ari ng coffee shop bago ako lumabas.
Ngumiti sa akin si Oli bago ako pinasakay sa kotse niyang walang bubong. Tahimik lang kami buong biyahe. Nang makarating sa club ay sinalubong kaagad kami ng mga kabanda niya.
Nakapulupot ang kamay ng lalaki sa baywang ko. Habang napansin ko ang matalim na mga tingin ni Desmond doon. Mas lalo akong dumikit sa lalaki na walang pakialam kung anumang mga pinaggagawa ko.
"Kita tayo mamaya, Oli!" sigaw ko nang hilain na ako ni Lualhati papunta sa dance floor. Sa gitna ay ang kaibigan naming nakikipag-showdown na sa estranghero.
We laughed when she did a backflip. Good thing she's wearing a fitted knit long-sleeved top, wide leg pants, and heels na hawak na niya ngayon.
Umupo kami sa upuang pina-reserve nila. Katabi lang iyon ng table na naka-reserve para sa Nebula. Malapit lang din ito sa stage.
They served drinks while the girls are busy making noise. Sinabayan talaga nila ang malakas tugtog.
Nagbuhos ako ng champagne sa baso ko at diretsahang ininom iyon. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya bumaling ako. Nasapo ko ang noo nang makita si Charlie na malawak ang ngiti habang nakatingin sa akin.
"Sinusundan mo ba ako?" I asked bluntly.
"Um, you can say that but no. Actually, kanina pa ako nandito. I saw you kaya lumapit ako," sagot nito. Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pag-inom. "Sungit," he chuckled.
"Panira ka ng araw, eh," sarcastic na sabi ko.
"Bukas, anniversary ng shop. Sabay na tayo pumunta roon since sabay lang ang uwian natin."
My brows furrowed. "Paano mo naman nalaman ang schedule ko?"
"Hiningi ko sa kaibigan mo."
I gasped. Umiling ako at ibinaling na lang ang atensyon sa stage. Nakaposisyon na ang banda nang hindi namin namamalayan.
"Good evening, everyone! I'm Zayn Vergel Vera."
"I'm Jairrus Brad Alcantara."
"Oliver Ethan Francisco."
"I'm Leo Murphy Calma."
"Alon Nava."
"I am Luntian Mauricio Guevara."
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...