Trigger warning: Violence & use of offensive weapon
Months passed. Naging abala kami sa pagpasa ng requirements at pag-eensayo kaya naman minsan na lang kung lumabas kami ng aking kasintahan.
Ngayon ay ang araw ng graduation nila Nanay. Tapos na kami at hinihintay na lang si Mister Emil, at Jai. Nang makarating sila ay mabilis din kaming pumasok sa kotse. Kay Jairrus ako sumabay dahil ayo'kong guluhin sina Nanay doon.
"Kin," pagtawag niya.
"Uhm?" I hummed while scrolling through my phone.
"Hindi pa ba nagagalit si Des sa tuwing lagi tayong magkasama?" biglang tanong niya kaya naman inangat ko ang ulo ko upang tingnan siya.
Seryoso lang ang tingin niya sa daan kaya naman ay ibinalik ko na lang sa screen ng phone ko ang tingin ko. "Minsan," sagot ko, "pero napag-uusapan naman namin."
"Alam na rin ba niya 'yong tungkol sa pagbubuntis mo?" sunod na tanong niya. Banayad ang kaniyang pagkakasambit noon.
Muli kong inangat ang tingin sa kaniya. Umiling ako. Mabilis na dumaan ang pagkadismaya sa mga mata niya. Hindi lingid sa kaalaman ko na gusto na nilang sabihin sa lalaki ang tungkol sa pagbubuntis ko at sa pagiging magkapatid namin ni Jai upang itigil na ni Desmond ang mga ginagawa niya ngunit ayaw lang nilang pangunahan ako. My friends even wishes us to break up when they found out about how Desmond act recent. It hurts pero wala naman akong magagawa.
As soon as we arrive, we immediately find our seats. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago nagsimula ang seremonya.
Cum laude ang Nanay ko at dahil doon ay mas gugustuhin ko pang mag-aral nang mabuti upang makamit ko rin ang mga pangarap ko.
Kumaway siya sa amin habang hawak niya ang diploma niya.
"Ang galing naman. Baka Nanay ko 'yan!" proud na sabi ko. "Congrats, Nay! Proud ako sa 'yo at mahal na mahal kita," malambing na aniko.
"Gaano kamahal?" tanong niya.
"Kaya kong talikuran ang lahat—as in lahat, para sa 'yo! Walang makapapantay sa 'yo rito sa puso ko, Nanay. Habambuhay akong baby girl mo!"
She giggled and caressed my cheek before giving the tip of my nose a kiss.
"Congrats, Tita!" bati naman ni Jai.
"Ano ka ba, Nanay na lang," tugon naman ni Nanay kaya napangiti ako.
"Congrats, Sweetheart," ani Mister Emil.
Kinunotan ko sila ng noo. Umakbay sa akin si Jairro at bahagya akong sinakal gamit ang bisig niya. "Siraulo ka ba?" bulong ko sa kaniya habang nakahawak ako sa braso niya. Nagpeke lamang siya ng ngiti.
"Uuna na po kami," pagpapaalam ng lalaki. Kailangan pa kasi naming maghanda para sa performance namin mamaya. Sina Leo, Ricci, Andree, Clouie, at Lualhati ay mga hindi na sumali dahil may kani-kaniya raw silang family trip.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad kami papuntang parking lot. Nakapagtataka. Panay ang pagbaling ko sa puwesto nila Nanay ngunit mukha naman silang ayos.
"Jai, kung hintayin na kaya natin sila?" I asked.
Itinaas niya ang dalawang kilay niya at tumango. Mabilis kong hinatak siya pabalik doon dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na pigura. May hawak itong armas. At mas ikinagulat ko nang mapagtantong nakatutok ito kay Nanay.
Binilisan ko ang paglakad ko at halos tumakbo na rin ako papunta doon nang biglang kalabitin ng lalaki ang baril at tumama iyon sa likod ni Nanay.
Mabilis na kumalat ang dugo at halos hindi na rin mapakali ang mga tao. I rushed to them while crying. Tumingin pa ako sa bumaril at agad na nahuli ng mga mata ko ang mukha niya.
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...