12

15 2 0
                                    

While I was scrolling through my cellphone, Zai told me about the mother of the guy he likes. Isang mayamang lalaki na nagpapanggap na mahirap at nagtratrabaho bilang bartender sa club ang nakilala niya. Matagal na raw silang nagkikita ngunit hindi lang niya ito nasasabi sa amin dahil wala siyang lakas ng loob. Madalas din daw silang magpunta sa kung saan-saang bansa.

Kanina lang ay ipinakilala siya ng lalaki sa magulang niya.

"Grabe, sis. Inutusan niya 'yong anak niya upang hindi niya ito makitang mag-offer sa akin ng milyones para lang layuan ang lalaki kahit hindi naman kami nagliligawan!" eksaheradang pagkukwento niya.

"Tinanggap mo?" I unconciously asked.

"Hindi 'no!" She exclaimed.

"Dapat lang."

"Aanhin ko ang milyones na 'yon kung mapangasawa ko naman ang anak niya balang araw? Unico hijo nila, malamang ay sakaniya ipapamana ang lahat ng ari-arian nila. E'di mapapasakin din ang mga iyon," pabirong aniya ngunit hindi ko na pinansin.

My eyes widened a fraction when I saw a post from an anonymous. It's a picture of Clouie with Desmond in Cebu. Ang mukha lang ng babae ang nakalitaw ngunit hindi naman ako puwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang bawat pigura ng lalaki. Sumilip doon si Zai saka biglaang inagaw ang phone ko.

"Si Clouie 'to ah. Taena niya talaga. Sabi na, e. Kaya kating-kating makaalis kagabi. Pero . . ." she trailed off and glanced at me.

Ganoon pa rin ang hitsura ko. Para akong naestatwa sa nakita. Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako. Pero hindi eh. Ang linaw ng pagkakakuha ng litrato. They were kissing.

Kaya siguro walang ipinapadalang mensahe ang lalaki sa akin mula kaninang umaga. Abala siya sa babae.

"Yezhua," mahinang pagtawag ni Zai.

Pinalis ko ang mga luha ko bago siya binalingan. Nagpeke ako ng ngiti. Kinuha ko ang cellphone ko sa kamay niya na tumutunog na.

"Balik na ako sa shop. Salamat sa lunch, Felicce," I said jokingly before running. Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo.

"Hoy, balik ka! Bwisit naman kasi. Ang ganda ng pangalan mo kaya balewala sa iyo kung anong itatawag sa iyo e," litanya niya.

I shrugged. "Hindi balewala sa akin. Si Desmond lang ang puwedeng tumawag sa akin ng Kinsley!" I yelled then stopped.

Tumigil siya nang isang metro na lang ang pagitan namin. "Kapal mukha. Por que nagbalik na ang alala . . ."

"Bitch, I'm Yezhua now. Only people I trust and love the most, and has 5'9 height, has pearl necklace, loves cucumber, likes ube cake, and name starts with K can call me Kinsley" mataray na sabi ko. Inirapan niya ako kaya naman humalakhak ako.

We bid our goodbye before I get back to work. Ibinaon ko na ang mga palaisipan sa isip ko kanina sa hukay at nag-concentrate na lang sa trabaho.

Nang maggabi ay agad akong umuwi sa apartment. Tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Susunduin kita sa inyo." Nahimigan ko ang pagkagalak sa boses ng lalaki.

I tiredly sat on my bed and put my hands against my chest when I felt a throbbing pain there. Hindi na siya nagsalita kaya pinutol ko na ang linya.

Kahit naninibugho at may pangamba akong nararamdaman ay nag-ayos pa rin ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya nagsuot na lang ako ng plain tee, denim jumpsuit skirt, at sapatos—which he commanded.

Sinuklay ko lang din ang blonde at kulot kong buhok at saka nagsuot ng sumbrero.

May bumusina at batid kong siya na iyon kaya naman dali-dali kong inayos ang gamit ko, at damit na suot.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now