Time flies so fast. Halos nasa camp na kami at naghahanda para music fest na malapit na ring magsimula.
Nakasuot lang ako ng itim na turtle neck long-sleeved shirt, kulay maroon na skirt, at itim na thigh high boots. Naglagay lang din ako ng dalawang puting hair clip.
"Your girlfriend might be stunning, Desmond. I think, she'll have an outstanding performance with her band," mahinang aniko sa lalaking naglalagay ng kolorete sa mukha ko.
"You're the girlfriend, Kin. And I know you will standout to your performance later . . . with me," seryosong tugon niya.
Ngumuso ako dahilan para kagatin niya ang pang-ibabang labi. Marahil ay pinipigilan niya ang sarili na halikan ako.
"Stop it. Every time you pout, pakiramdam ko ay niyayaya mo ang mga labi kong halikan ka," he confessed.
I chuckled.
We both glanced at the door when it suddenly opened. "Kin!" si Jairrus.
"Ay, nandiyan ka lang pala, Des. Kanina ka pa hinahanap nina Ricci." He chuckled. "Nga pala, pahiram muna si Kin. May sasabihin lang ako sa girlfriend mo."
"Hindi niya ako girlfriend, Jai," plain na sambit ko rito.
Tumawa lang siya at nagkibit-balikat. "Oo na lang. Kahit na halatang-halata kayo."
"Go ahead, babe. Sa labas kayo mag-uusap," medyo malakas na sabi ni Desmond. Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago tumayo. He slid his hand on my waist as I walked towards Jairro.
"Maglibot muna tayo. Ang boring kausap nina Zayn at Oli." he stated.
"How could you bear grudges against them?" mapang-akusang singhal ko. He looked at me defensively.
"I don't hold grudges, Kin. Grabe ka sa akin," defensive na tugon niya. "Nga pala, pinababantay ka sa akin ni Tita Tatiana."
"Ba't ako? Baka ikaw ang pinababantayan dahil alam nilang masyado kang makulit. I can defend and protect myself," agarang tugon ko.
He rolled his eyes then snorted. "Oo na lang," he responded sarcastically.
Tumawa ako at pabirong sinuntok ang braso niya. "May bigote ka pala," out-of-context na saad ko habang naglalakad kami sa gilid ng mga kubo na may makukulay na mga parol at Christmas lights.
Huminto ako sa paglalakad at itinuro ang bigote niya. "Ba't 'di mo kaya ahitin?"
"Huwag ka!" Bakas ang pagkaasar sa ekspresyon niya. "Dagdag pogi points naman iyan," he followed confidently.
"Hindi ka guwapo, 'no!"
"Mana lang ako sa 'yo. Tingnan mo nga 'yan, dalawa ang likod mo," he said bluntly, and gave me a challenging look.
I equalled his gaze. "At ikaw naman, patpatin 'yang legs mo."
"Ikaw naman, mukha kang panda kasi laging may maitim na nakapalibot sa mga mata mo."
"At ikaw naman, mukha kang butiki!" I then laughed hard.
Dahil mas matangkad siya, nagawa niya ipatong ang palad sa ulo ko. He suddenly pinched my cheeks so I glared at him.
"Ate mo ako tapos ginaganyan mo ako? Mali 'yon, Jairro. Mali iyon," iiling-iling kong sabi. Humagikgik ako at saka hinila na siya pabalik nang hindi siya umimik.
Sa labas ay naghihintay ang isang lalaki. Nakahalukipkip ito at nakakunot ang noo.
"Nandiyan na si Jessica?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Desmond just nodded his head. Nagpaumuna na si Jairrus sa kwarto nila. Samantalang nanatili naman ang lalaki rito. Humalik siya sa akin bago sumunod sa kaibigan.
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...