"And how do you say money is more important, Miss Adizer?" masungit na tanong ng pesteng class monitor dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
"Money is more important," I sarcastically uttered. "Sarcastic?" I shrugged my shoulders, and chuckled. Kitang-kita ko ang pagkaasar sa kaniyang naging reaksyon, dahilan para mas lalo kaming matawa.
"This is not a joke nor a game, Miss Adizer! Be professional!" sambit pa niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata. Inuutusan ba ako nito? "Ang sabi kasi, kapag tinanong ka ng gagong tanong, sagutin mo ng gagong sagot," pangangatuwiran ko, at saka muling tumawa. "Pikon ka na niyan?" I asked and plastered a playful smirked.
I faked an amused reaction when he glared at me.
"Your words!" he warned me.
"As if I'm scared. Baka gusto mong iparinig ko sa lahat ang record ko ng mga pagmumura mo?" matapang kong sabi. Inilabas ko ang mga cassette tape ko at ipinakita sa kaniya ang mga iyon.
He looked scared. Scared that people would know about us. Nang akmang kukuhanin niya ang mga ito ay kaagad akong lumayo at tumayo sa upuan upang hindi niya maabot.
"Alam mo, sumuko ka na kasi. Sa panahon ngayon, mas mahalaga na ang pera. Hindi ka mabubuhay kung wala kang bahay, pagkain, mga damit, at kung anu-ano pa. At lahat ng mga iyon ay kailangan ng pera para makuha mo. Ang hirap kaya kapag wala kang pera. Kami noo'y namamalimos lamang para may pambili ng pagkain, e. Madalas pa akong magkasakit dahil wala kaming sariling bahay tapos ay lagi pa akong gutom dahil walang makain," mahabang sabi ko habang inilalayo pa rin ang mga hawak ko mula sa kaniya.
Napahinto lamang ako nang mapansing nakatitig ang lalaki sa akin. Tinapik ko siya subalit hindi siya kumikibo.
"Kinsley, what are you doing?" tanong ng aming guro na kapapasok lang.
"Sorry po. Si Esquivel po kasi." I lightly kicked this guy in front of me. Bigla siyang suminghap, at sa hindi ko malamang dahilan, tinulungan niya akong bumaba ng upuan. Pagkatapos ay bumalik na siya sa puwesto niya.
Nang matapos ang klase, tumungo kaagad kami ng kaibigan kong si Crizainna sa canteen.
"Ang lakas ng amats mo! Buti hindi ka no'n isinumbong kay Ma'am!" tumatawang sambit niya habang pumipila kami.
I chuckled and shook my head. "Hindi niya kayang gawin iyon sa akin, Zai! Ako pa! Sa ganda kong ito, feeling ko nga crush na ako ni Pres," mayabang na aniko, saka tumawa.
"Gaga! Baka nga kayo na. Laging siya na lang ang kinakausap mo kapag nasa room tayo, e. Tapos ikaw lang din ang lagi niyang pinapansin kahit may apat pa naman siyang kaibigang lalaki at isang kaibigang babae," she uttered.
Hindi na lang ako nagsalita dahil baka malaman pa niya pati ang mga ginagawa namin ng lalaki. Kane and I trust each other so much. We promised to keep to ourselves whatever's going between us.
We were 16 years old when we started exploring things. We were curious! We shared kisses secretly, and we always escape from our friends to do some things only old couples do.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako na gawin namin iyon. We were too young! I regretted it so much. Muntik nang masira ang mga pangarap ko. Muntik nang mawala ang magandang future ko.
Nahuli lamang kami ni Oliver. He even thought Kane was harassing me when he saw my blouse unbuttoned so, he really punched him. Nagsuntukan sila sa harap ko. At talagang nagsumbatan pa sila.
I walked away, crying and hurting. Medyo magulo pa ang uniporme ko. I was so confused that time. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. "He didn't hypnotized me. He wasn't harassing me. It was just really me."

YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...