"Moon river, wider than a mile... I'm crossing you in style some day... Oh, dream maker, you heart breaker... Wherever you're going, I'm going your way..."
"We'll be staying in Cebu on vacation . . ." he trailed off. "And I think, hindi na rin kami babalik dito," malungkot na aniya sa baritonong boses.
"I hope that's for the better," I whispered. Mas lalo akong sumandal sa dibdib niya.
"Yes, it is. Of course," he responded. "Pero . . ." Suminghap siya at sumulyap sa akin habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Hindi kita kayang iwan."
"Bakit?" tanong ko, pinipigilang maluha. Lately, napapadalas na ang pagiging emosyonal ko. Maliit na bagay, iniiyakan ko. Maliit na bagay, tinatawanan ko. Maliit na bagay, naiirita ako. Kalimitan ay dahil sa mga palaisipang pumapasok sa isip ko. Mga tanong na hindi pa nasasagot. Mga tanong na natatakot akong itanong. Inuunahan ako ng takot . . . ng pangamba.
"Kasi mahal kita," he said softly dahilan para mapangiti ako. Sa sobrang saya ng puso ko, halos gusto na nitong tumalon.
"Then, I'll just visit you," tugon ko kaagad.
"Malayo. Magastos. Hindi na lang ako sasama para makasama kita at hindi ka na gumastos," parang batang aniya.
"Hindi ba't sabi mo sa akin dati na hinding-hindi mo ipagpapalit ang Cebu?"
"Time flies, Kinsley. Marami nang nagbago. Gaya ng nararamdaman ko. Habang tumatagal, mas minamahal kita. Ikaw lang ang nakapagparamdam sa akin na mahal ako. May halaga ako. Na kahit ang dami kong nagawang mali, ang dami kong pagkukulang, at hindi kayang gawin, tanggap mo pa rin ako. Mahal mo pa rin ako. Dati, kapag sinasabi kong pagod na ako, iniintindi mo pa rin ako. Nananatili ka pa rin sa tabi ko. I was too young when I learned what true love is . . . eternal. And that's because of you. At kahit hindi mo man sinasabi ang salitang 'Mahal Kita', ipinaparamdam mo naman sa akin iyon palagi . . . Kaya bakit kita ipagpapalit sa Cebu? Puwede naman kitang dalhin doon, babe," mahabang pahayag niya habang ako naman ay kanina pa umiiyak. Batid kong basa na rin ang damit niya dahil sa luha ko.
Napakaswerte ko! He's the best boyfriend ever. It's hard reliving the trauma. Gabi-gabi kong napapanaginipan 'yong aksidente. At sa tuwing nakakakita ako ng ganoong pangyayari, hindi ako makahinga nang maayos. At kung minsan naman ay para akong napapraning.
Kaya nang makita ko ulit siya, nagulat ako sapagkat sa halip na lumala ang kondisyon ko, tila mas nakatulong pa siya. My PTSD gradually fades as I process the unsettling event with his help. Pero siyempre, may kasama pa ring therapy at medication iyon.
When he found out that my memories back, then he apologized, I knew to myself that I'm healing. We've moved on. And I know right now, we're just starting over again.
Umayos ako ng upo sa lap niya kasabay ng paghikbi ko. Hinawakan ko siya sa pisngi sa magkabilang kamay ko at mabilis na hinalikan siya at saka yinakap. He hugged me back and whispered sweet words para patahanin ako.
He kissed my tears away. Ngumuso ako kaya naman muli ako niton hinalikan. Ngunit sa ngayon ay matagal na. I almost scream when he turned the swivel chair around. Tuloy ay napayakap ako sa kaniya at sa sandalan ng upuan habang umangat nang kaunti ang mga paa ko. He tightly hugged me back para mas lalong magkalapit ang katawan namin.
"Naiipit si baby," pabirong sabi ko sa kaniya. I wanted to tell him already . . . But I am afraid.
Tumawa lang siya, at muli akong pinatakan ng halik. He then held my hand tenderly and kissed it. "Soon, okay?" he uttered softly while caressing my hand with his thumb.
It wasn't long when Jairrus entered the music room. Agad kong pinalis ang luha sa pisngi ko bago ko siya nilingon.
"Susunod na kami," I cleared my throat. Tumango siya at ngumisi bago umalis.
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...