"Balewala na ang nakaraan. Ang mahalaga ay ang ngayon," I said with my controlled voice after recovery. "Kung mahal mo ako, kalimutan mo na ang poot at kasawian. Iwan mo na ang mapait na kahapon," I whispered. Bahagya kong iniangat ang mga kamay ko upang mayakap siya pabalik.
Hindi ko na matantya kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Napahiwalay lang ako nang sumigaw si Zai na pinakaampalaya sa amin.
"Buwisit ka! Nanonood pa kami oh!" singhal ni Lia kay Zai. Hindi pa rin nila napapansin ang presensiya ko sapagkat abala sila sa panonood.
"Tanga. Nand'yan na si Yezhua. Magkukuwento pa 'yan."
Umiling ako at inalalayan ang lalaki pabalik sa puwesto nila kanina. May naka-setup na projector, at laptop sa table. Sa isang mesa ay alak at pagkain. At sa sahig naman ay mga throw pillow. May mga nakasindi ring fairy lights kaya naman kung wala ako rito, aakalain kong may nagdi-date sa taas.
Umupo ako at diniretsong inom ang alak sa baso na hawak ni Oli. "Akala ko ba'y hindi ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Pinagtulungan ako nina Zeke, Alon, Leo, at Jairrus," nakangiwing aniya.
Binalingan ko ang mga kaibigan namin na halatang nakaabang sa sasabihin ko. I groaned inwardly. "Kumain lang kami at nagkuwentuhan tungkol sa mga nalalaman ko sa fashion," tipid na pagkukuwento ko.
They look dissapointed but I just ingored them. Whilst Desmond rested his head on my shoulder as if I allowed him. Mukhang inaantok na ang lalaki kaya hinayaan ko na lang. Inangat ko pa ang isang kamay ko at sinuklay-suklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri ko.
"Lasing ka na," mahinang aniko. "Why did you drink?"
He pouted. "I want you," he whispered in his hoarse voice. Tumingin siya sa akin, at mas lalong ngumuso.
"Lasing ka na talaga," wika ko pa. Umiling-iling siya at akmang hahalik sa pisngi ko ngunit iniharang ko ang kamay ko sa mukha niya. "Masiyado kang mabilis, Esquivel."
"I love you . . . forever and for always . . ." he whispered. My heart skipped a beat when he kissed my neck instead, before resting his head on my shoulder.
"Dito pa talaga kayo naglandian!" eksaheradang reklamo ni Blessie.
Nginiwian ko siya at inirapan. "Inggit ka?"
"Kung ganiyan ba naman kaguwapo ang manliligaw, malamang! Ano ba sa tingin mo?" Humalakhak siya.
I chuckled and playfully faced Desmond. My eyes widened when he suddenly stole a kiss! Gago 'to, ah!
Nagkuwentuhan pa kami bago napagpasyahang umuwi. Simula bukas ay alas otso na ng umaga hanggang alas siete ng gabi na ang trabaho ko sa shop. May mga break time naman kaya keri lang. At isa pa, dagdag sahod iyon.
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang makapagluto ng umagahan namin ni Nanay. Sigurado akong tulog pa siya dahil hating gabi na rin siya umuwi. Nauna pa akong nakauwi!
Nag-iwan na lang ako ng note bago umalis upang pumasok sa trabaho.
"May nagpapabigay sa iyo," nanunudyong sambit ni Tara saka iniabot sa akin ang cucumber shake. Iniikot ko ang bote at nakita ang maliit na papel na nakadikit doon.
Good morning, Kinsley.
With my first name on it, I knew who gave this. Siya lang naman ang tumatawag sa akin noon. Itinabi ko muna sa refrigerator dahil maaga pa naman at mamaya pa ang break namin.
"MommyLa, si Charlie po oh. Ayaw magtrabaho. Tapos kinuha pa 'yong bigay ng mahal ko," pagsumbong ko sa matandang kararating lang din. Batid kong galing iyong opisina sapagkat kunot na naman ang noo niya, at nakasuot rin siya ng mamahaling bestida.

YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...