We spend Christmas with our families. I'm trying my best to get along with my father. Good thing, hindi niya ako pinipilit. We exchanged gifts for the first time. Noon kasi ay magluluto lang kami ni Mama ng iba't ibang putahe, at kakainin ang mga iyon. Kung magbibigay man kami ng regalo, ibinibigay na lang namin sa mga batang palaboy-laboy sa kalye.
"Ang dami mo namang regalo," saad ni Jairro habang minamata niya ang mga simpleng regalo na inilagay ko sa kahon.
"Ipamimigay namin ni Nanay sa mga batang palaboy-laboy," nakangiting sabi ko dahilan upang mapangiti siya. Binitbit niya ang kahon para sa akin kaya nagpaumuna na ako.
Kaagad na lumapit ang grupo ng mga bata pagkalabas namin. Masaya naman namin iyong ipinamigay. Mumurahin lang ang mga pinamili ko sapagkat hindi naman ako mayaman.
"May kukunin lang ako sa loob," paalam ko.
Pumasok ako sa kuwarto ko. I opened my cabinet and took the dress I bought for my Nanay. Nakalagay lang iyon sa paper bag.
Pagkalabas ay bumungad sa akin ang cake na ube flavor.
"Happy birthday, Yezhua ko!" masiglang sabi ni Nanay. Sa likod niya ay ang Tatay, at si Jairrus.
"Happy birthday, Kin!" rinig kong sabi ng mga nasa kabilang linya. Iniharap sa akin ni Jairro ang iPad niya, at nakita ko sina Zai, Oli, Zayn, Zeke, at ang pinakamamahal kong si Desmond.
"Pasensya na, mga dre. Si Kin muna ang kasama ko ngayon. Manliligaw si Popsie kay Tita Tati e," natatawang pahayag ni Jairro. "Siyempre, bago mo mapasagot ang nililigawan mo, dapat ligawan din 'yong kaibigan o kamag-anak, 'di ba?" dagdag pa niya, saka ako binigyan ng nakakalokong tingin.
"Happy birthday, my Kin," sambit ni Desmond. "Happy birthday, baby," he unconsciously whispered while fixing something on his table, dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
Nanlalaki rin ang mga mata nina Zayn, Zeke, at Jai. Si Oli naman ay napangiwi lang.
"Ah, ano . . . 'yong pamangkin ko, naglilikot sa stroller niya," he reasoned out but seems like they didn't buy it. Iba rin naman kasi ang narinig ko.
Hindi ko na lang iyon pinansin. Hinipan ko na lang ang kandila at saka nagpasalamat.
Iniabot ko kay Nanay ang paper bag at tuwang-tuwa naman siya habang tinitingnan ang kulay rosas na bestida. Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto niya upang suotin iyon.
Masasabi kong maligaya siya. Kausap niya si Mister Alcantara habang ipinapakita ang damit. She looks like a teenager. She looked really happy.
"Merry Christmas, binibining Yezhua!"
I wave on the camera. "Merry Christmas po!" bati ko sa pamilya ni Charlie. Nagkuwentuhan lang kami ni Charlie bago mapagpasyahang magpahinga na. It's pass 2AM already.
Tumawag si Kane bago matulog para paalalahanin ako na magdasal at huwag na magpuyat. Umalis na rin sina Jairrus.
I am beyond happy . . . sa pangalawang beses mula nang ipanganak ako. Una ay noong music fest. Para akong nakalutang sa alapaap. Rinig ko pa ang nagkukwentuhan sa labas ngunit inaantok na ako.
Ganoon din noong bagong taon. Ngunit sa pagkakataong iyon ay sumali sina Charlie sa amin. Katabi lang ng apartment ang bahay nina MommyLa kaya naman doon sila nag-stay. Tumawag muli si Desmond upang batiin ako.
Nagulat na lang ako dahil nakatayo na ito sa tabi ko habang pinapanuod ko ang mga paputok. Nakasuot lang siya ng hoodie, at pants. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya.
Nakakaloko ang mga tingin nila sa amin, at hindi ko na matiis na hindi siya yakapin.
I gave up!
Niyakap ko ang lalaki nang mahigpit at saka inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. He kissed the top of my head before hugging me back.

YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Lãng mạn[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...