19

12 2 0
                                    

"You've been acting really strange lately, Yezh," puna ni Zai habang naglalakad kami papuntang supermarket. "Pansin ko kasi na hindi ka na tumatambay sa likod ng building. Tapos ay hindi ka na rin kumakain ng streetfoods. Lagi rin kayong magkasama ni Desmond kahit walang imikan. Tapos kapag pumupunta sa club, kung hindi tubig ang iniinom mo ay cucumber shake lang," banayad na pahayag niya. "Palagi ka ring nakakatulog sa klase. At kung kumain ka, minsan kaunti lang pero madalas ay pangdalawahan ang kinakain mo."

Dalawang linggo na rin kasi ang nakalipas mula nang malaman ko. At sa dalawang linggong iyon ay nag-ipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa mga kaibigan na lubos kong pinagkakatiwalaan. Napagpasyahan kong sabihin na rin kay Desmond ng mas maaga bago pa lumaki ang tiyan ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko kasabay nang pag-iwas ko ng tingin. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan sa susunod niyang sasabihin.

"Bun...tis . . . ka ba?" she asked carefully.

I felt my eyes pooling with tears kaya kaagad ko iyong pinalis. Tumingin ako sa kaniya at bahagyang tumango. "Six weeks."

"Shit! You've gone that far?!" tila gulat pa na tanong niya. "How does it feel?" She chuckled.

"Siraulo. Huwag mo munang alamin, loka-loka!" pasinghal kong wika. Tumawa siya sandali at muling sumeryoso. "Unplanned. It just happened," sambit ko. "Nga pala, huwag mong ipagkakalat 'yan. Itatakwil talaga kita," pagbabanta ko.

"Oo naman. Your secret's safe in me. Basta ninang ako," she uttered. Napangiti na lang ako sa kaniya. Alam kong sinusubukan lang niyang pagaanin ang nararamdaman ko. Alam niya lahat ng sikreto at plano ko at wala naman siyang naipagkalat kaya napakalaki talaga ng tiwala ko sa kaniya.

She's been my best friend since first year high school and she never failed to be one.

I know she's disappointed at me right now. She always makes me learn my mistakes in her own way. Hindi niya diretsahang sinasabi pero sa pananalita at ekspresyon pa lang niya, ramdam ko na kung anumang gusto niyang sabihin. She always thinks about other people's feelings before talking.

Huminto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako. "Teka! Alam na ba ni Desmond?"

Umiling ako. "Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin o kung dapat ko bang sabihin. Ayaw pa niya nito, Zai. He has future ahead."

"Dapat sabihin mo pa rin, semilya niya 'yon — ayaw man niya ng anak o gusto . . . At saka ikaw rin naman, may magandang kinabukasan ka," mataray na aniya at saka umirap.

May punto naman siya. Gustung-gusto ko nang sabihin sa lalaki ngunit pinangungunahan lang ako ng takot.

She tapped my shoulder and wished me best of luck before pushing a cart. "Hintayin kita sa loob. May nag-aabang sa iyo." Itinuro niya gamit ang nguso niya ang lalaking hindi naman kalayuan sa amin.

Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na yumakap. "Someone has been avoiding me, huh, why?"

"Hindi naman kita iniiwasan, Yezhua. Busy lang ako," simpleng sagot niya. "Nga pala, kumusta na?"

"Ganoon pa rin naman, Oliver. May kaunting pagbabago lang," mahinang sagot ko. I smiled a little. How am I gonna tell him? Where shall I start?

Sabay na kaming pumasok sa supermarket dahil mamimili rin naman daw siya. Nakita ko kaagad si Zai na nagtitingin ng gatas.

"Gatas para sa buntis." Mahina siyang tumawa kaya naman hinampas ko siya. "Napakasadista mong babae ka!" reklamo niya.

"Bumili na 'yong Tatay ko," nakangusong saad ko.

"Napatawad mo na?" walang emosyong aniya habang nagtitingin pa rin ng gatas.

"Hindi ko alam. Basta ngayon, ang mahalaga lang sa akin ay napapasaya niya si Nanay. Bumabawi naman siya e," simpleng sagot ko.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now