"Would you stop staring at me?"
"You, stop being sexy," he responded on the line.
I stopped drying my hair and stood properly. "What's sexy with this white short and maroon long-sleeved top?"
"I said you, and not your clothes," tugon niya. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa habang napapangiti. "You seem so happy."
Nilakasan ko ang speaker ng phone ko. I tied my hair in classic bombshell style. "Aalis kami ng kaibigan ko," I informed him. Pakiramdam ko kasi kailangan ko siyang sabihan.
"Ah, okay. Ingat kayo ni Zai," he replied then giggles. Nahimigan ko ang pagkadismaya sa tawa niya dahilan para makaramdam ako ng pag-aalala.
"Not Zai. Si David, my new friend. Nagpapatulong sa mall," I still told him.
"Argh. Huwag kang sumama sa kaniya," pabirong anito kahit bakas naman ang selos.
"Why not? Nagpapatulong lang naman siyang mamili ng regalo para sa pamangkin niya." I pouted. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama ko bago lumabas ng kuwarto.
"Kung makulit ka, sasama ako sa ayaw mo at sa gusto," he said with finality. I tried to stop him but he has decided. Bumuntong hininga na lang ako at hinintay si David sa labas ng bahay. Nakapagpaalam na ako kay Nanay kanina. Sarado ang coffee shop ngayon dahil may ginagawa raw sila. Isang linggo iyon kaya isang linggo rin akong walang trabaho. Siguro ay gagawin ko na lang ang portfolio ko. Tapos ay tataihin ko ang mga damit na ginuhit ko dati saka ibebenta online.
Pagkadating namin sa mall ay nandoon na si Desmond. Agad niya akong inagaw sa lalaki at hinawakan ang kamay ko at malaking ngumiti.
"Huwag ka," mahinang sambit ko. "Sasama raw siya," aniko kay David. Tumango ang lalaki saka ngumisi. Sinasabayan ko siyang maglakad ngunit hinihila ako ni Desmond.
"Ba't ang ganda mo?" out-of-context na tanong ni David habang naglalakad kami sa aisle at tinitingnan ang mga story book.
"Kasi malinaw pa ang paningin mo," I said jokingly. Tumawa siya at pabirong hinampas ako noong bolbasaur stuff toy. He asked for my opinion, so I pointed the teddy bear.
"Siraulo. Seryoso ako," natatawang tugon niya sa isinagot ko kanina. "Ganda mo talaga," ngiting-ngiting dagdag niya pa. Batid kong narinig iyon ni Desmond dahilan para hilain niya ako palayo. Hinapit niya ang baywang ko habang matalim ang tingin sa akin.
"Bakit?" I simply said.
"Don't talk to him," seryosong sabi niya saka ngumuso.
Umirap ako. "Nagbibiruan lang kami, Desmond. Kung nagseselos ka, doon ka sa labas. Ikaw 'tong mapilit at malisyoso, e."
"Mukha kayong magsyotang nag-aaway," sabat ni David na hindi ko man lang namalayang nandito na. My eyes widened a fraction. Bitbit niya ang paper bag kung saan nakalagay 'yong teddy bear.
"We're just friends!" I exclaimed.
"If I am only your friend, then I might be so special 'cause I know the way you taste," makahulugang bulong ni Desmond sa akin. I instantly hit him, and gave him deadly stares.
Lumunok ako at nilingon si David. "Tapos ka na?" kaswal na tanong ko. Tumango siya at itinaas ang paper bag. I smiled awkwardly.
Lumabas kami ng shop nang hindi ko kinakausap ang mga lalaki. Sabay-sabay kaming kumain ng noodles bago napagpasyahang umuwi.
"Sasabay ako kay David," I informed Desmond.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako ang nobyo mo tapos sa ibang lalaki ka sasabay?" nakatitindig balahibong aniya.
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...