07

22 4 1
                                    

Tapos na ang oras ng pag-eensayo nang makalabas kami. We went back to our classroom and took our bags.

At dahil weekend naman kinabukasan ay kung saan-saan ako dinala ni Desmond. Pinagpaalam pa niya ako kay Nanay bago kami umalis. Pinagdala pa ako ng ilang pares ng damit!

"Saan ba tayo pupunta? Hindi ako sasahod dito," ikako habang inaayos ang seatbelt.

"I can pay your time. Just trust me," seryosong tugon niya. Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang siya. Aniya'y mahaba-haba ang biyahe kung kaya't natulog na muna ako. When I woke up, it's already passed midnight. No, the sun is actually about to rise already. Nasa isang silid na ako, at nakahiga sa kutsong nasa sahig. Nang aking igalaw ang mga kamay at may maramdaman sa tabi ko ay napatingin ako roon.

My eyes automatically widened when I saw his face. I then screamed loudly and quickly stayed away from him. Yakap ko pa ang sarili ko habang nakatingin sa kaniya.

"Anong ginawa mo? At nasaan tayo?" aligagang tanong ko sa lalaki. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko.

Kunot-noo siyang tumititig sa akin habang kinukusot ang mata, tila ba'y binabasa nito kung alin ang gusto kong itanong. "I did nothing!" he defensively uttered.

"Then why am I wearing this?!" I shouted more and pointed the sweater. Hanggang tuhod ko pa siya dahil hindi naman akin 'to! "At bakit ka nakayakap?!"

"I just put it on you. Nilalamig ka kagabi!"

"Ang sabihin mo ay gusto mong makita ang katawan ko!" Wala naman akong sakit!

Suminghap siya. "Where the hell did you get that?! Of course, not!"

"Aminin mo na kasi. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang sabihin mo, ang gusto mo talaga ay ang maka-iskor na. Hindi pa nga kita lubusang naaalala, ganiyan ka na. You're like other boys!"

"Oh God!" Nasapo niya ang kaniyang noo. "I'm not like others. Stop being bitchy!"

"And now you're calling me bitchy?! Nagsasabi lang ako ng totoo!" tugon ko at tumayo na. Ganoon din siya at pilit na pinantayan ang paningin namin. "Bakit kaya hindi mo ilabas ang totoo mong ugali? I know you're aware."

"Ugh! Ewan ko sa 'yo. Ang gulo mong kausap."

We then seperated ways. Lumabas siya at tumungong sala. Habang pumasok naman ako sa banyo at naligo. Puro rant pa ako habang nasa banyo. Tapos siya ay nagsusumigaw sa labas.

Mali yatang pinagbintangan ko siya ng kung anu-ano. Paano kung nalaman niyang naaalala ko na siya?! Ugh.

"Shit!" usal ko nang mapagtantong suot ko pa rin pala talaga ang damit ko kahapon, at sadyang natakpan lang sila no'ng malaki niyang sweater. But still, I won't apologize. He didn't even apologize before!

Napagpasyahan ko munang lumabas ng balkonahe pagkatapos mag-ayos upang magpahangin. Nang may mahagip ang mga mata ko ng grupo ng isang binata, at mga bata. Nakapabilog sila at para pang nagkakasiyahan sila.

Nang mahuli ang tingin ko ay ngumiti ang binata sa akin habang nababasa ko sa kaniyang mga labi na kumakanta siya. He's smiling widely, I could see his teeth.

Dumungaw ako at pinanood silang parang nanghaharana sapagkat humarap sila sa gawi ko.

Hindi rin nagtagal ay bumalik siya rito sa bahay na gawa sa bato. He smiled a little and shyly held my hand. "I'm sorry," wika niya.

Hindi ko maintindihan ang puso kong bigla na lang kumalma pagkatapos niyang iminutawi ang mga salitang yaon. Kusang umawang ang mga labi ko sa pagkakataong naglapat ang mga labi namin. Tangina?!

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now