11

14 2 0
                                    

It's just a week left before the music fest. Today's Sunday and pinag-day off muna kami kaya naman inaya kaagad ako ng mga kabanda na pumunta na sa Sentriyo.

Nakasuot lang ako ng itim na tube at transparent long-sleeved blouse sa pang-itaas, at faux leather pants, at itim na stilettos naman sa pang-ibaba.

Hindi namin kasama ang Nebula ngayon at ipinagpapasalamat ko iyon. Baka kasi maumay na sa akin 'yung isa. Kahit sa trabaho ko ay nandoon siya palagi.

"Yezhua, ipinapatawag ka ni DJ Aristotle," ani Mahalia. So, I confusedly walked toward his office.

Hindi pa man ako nakakarating ay may humigit nang lalaki sa akin, at sunod na isinandal ako sa pader. He placed both of his hands to the wall para hindi ako makatakas.

Itinaas ko lang ang kilay ko at kalmadong tumingin sa estrangherong lalaking nasa harap ko. "Didistansya ka o sa buong buhay mo'y titira ka sa bilangguan?" I asked seriously.

He groaned so I gave him a disgusted look. Wala na akong inaksayang oras at tinuhod ko ang sikmura niya saka tinadyakan ng patalikod bago tumungo sa opisina ni Aries.

Kausap niya si Charlie kaya tumayo muna ako sa may pintuan. I scoffed before settling down on the chair in front of his desk.

"Mabuti at nandito ka na," he said then greeted me. "Nabanggit kasi ni Charlie na ikaw raw ang electric guitarist sa banda ninyo, at gusto niyang matuto noon kaya . . ." He trailed off and looked at Charlie. Sinenyasan niya ito at binulungan pa. He looks like convincing or urging him to do something.

"Ah . . . heto, sausage. 'Yong lagi mong kinakain," sambit ng lalaki saka inabot sa akin ang food packaging box na may sausage at maraming mustard.

"Stop beating around the bush, Charlie. Go straight to the point," seryosong saad ko bago kunahin ang box sa kan'ya.

"Ano kasi . . . puwedeng turuan mo ako? Gusto ko lang kasi talagang matuto," tila nahihiya pang aniya.

I snorted. "'Yon lang pala. Sana diniretso mo na sa akin kaysa sa iba mo pa ipinasabi."

Ngumuso lang siya kaya bahagya akong natawa. This guy! He's always acting like a damsel kahit sino pa ang kaharap niya.

I told him na tuturuan ko siya. Nagpaalam muna kami kay Aries bago pumuntang backstage.

"Bakit 'di ka naiilang?" parang batang tanong niya habang hawak ko ang dalawang kamay niya at inaayos. He's kind of having difficulties plucking the strings dahil madali siyang masugatan.

I tsked. "Bakit ako maiilang? Kaibigan kita at wala naman akong pagtingin sa iyo," I said bluntly. Umakto pa siya na parang nasasaktan.

"Ang sakit. Lagi mo akong binabasted!" tugon niya.

"Paano kita binabasted kung hindi ka naman nanliligaw?" I asked, emotionless.

He lowly tsked. "Maaari ba kitang ligawan?"

"Hindi," I replied seriously dahilan para humaba na naman ang nguso niya. Matalim ang tingin niya sa akin kaya naman parang medyo nakapikit ang kaniyang singkit na mga mata.

I snorted and just held his hand tightly to help him on plucking. Nang sumuko siya ay inabot ko sa kaniya ang chart ko ng mga chords. Nilagyan ko na rin ng band aid ang kaniyang tatlong daliring nasugatan kanina.

Bumalik ako sa mga kabanda at nakipagkuwentuhan na lang. Batid kong kanina pa nila kami ni Charlie pinag-uusapan dahil panay rin ang pagsulyap nila sa amin, at agad din silang nag-iwas ng tingin at nameke ng tawa nang makalapit ako.

Someone suddenly sat next to me and, "Hi, miss!"

"Ikaw na naman?!" I irritatedly uttered and lightly pushed him away. "You want to live behind the bars talaga, 'no?" I asked sarcastically.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now