"Remember me... Though I have to say goodbye... Remember me... Don't let it make you cry... For ever if I'm far away... I hold you in my heart... I sing a secret song to you... Each night we are apart... Remember me..."
Napatayo ako nang biglang pumasok si Desmond sa music room. He rushed to me while crying. Yumakap siya nang mahigpit kaya naman nakaramdan ako nang pagtataka.
"Sorry . . ." bulong niya at humikbi. I pushed him slightly and gave him a confused look.
"Ano bang ginagawa mo?" inis na sambit ko.
"Kaya mo ba ako iniiwasan ay dahil sa mga litratong kumakalat?" tila nag-aalangang tanong niya.
I gave him a faint smile. "Hindi naman totoo ang mga 'yon, 'di ba?" tanong ko kahit alam ko namang totoo. Gusto ko lang namang sa kaniya manggaling ang totoo at baka patatawarin ko pa siya. "Sabihin mo sa akin kung anong totoo, Des," pahayag ko. "Tell me, did you kiss Clouie?"
Bahagya siyang tumango. Suminghap ako dahil sa naramdamang pagkadismaya ngunit pilit pa ring ngumiti. "Thank you for telling me the truth," tipid na sagot ko.
"Tell me you're not leaving me, Baby," nagsusumamong pakiusap niya niya.
"I'll think of it," I answered plainly. It is almost a whisper.
"Damn it! I was fucking mad at you because you were always with Jairrus so, I went to the club to think," pagalit na pag-amin niya. Upon hearing him utter those words, it felt like my heart was being squeezed in a vice, each word a dagger piercing through its fragile chambers.
Mabilis na dumaan ang gulat sa akin. H-how . . . how could you? Girlfriend niya ako pero wala siyang tiwala sa akin! But . . . okay! May mali rin naman ako dahil hindi ko pa rin inaamin sa kaniya. Pero siya . . .? It's fucking unfair and unacceptable.
"And Clouie?! She kissed me. I don't kiss my best friends." He sounded sarcastic. It's as if he's saying I am the only one who's at fault.
I swallowed hard. "Pero hinalikan mo pa rin siya at natulog kayo nang magkasama." Pilit kong itinatago ang aking paninibugho.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at iniwas ang tingin. "I was so drunk, I couldn't even recognize people!" he reasoned out. "I thought it was you."
"Why? Do we seem similar, huh? Pareho ba kaming humalik? O gusto mong ipaalala ko pa sa 'yo," matapang kong sambit. Tangina. Hindi ko na mapigilan 'tong selos ko kahit galit na galit ako kanina.
Tumingkayad ako at siniil siya ng halik sa labi. He wasn't responsive which made it easier for me to prove it. I'm becoming another woman when we do it.
I grabbed his collar and walked towards the stool. Pagkaupo ko roon ay tinitigan lang ako ng lalaki sa mata, na para bang binabasa niya ang mga takot at lihim kong nagkukubli sa isang sulok ng isipan ko. Naramdaman kong tila biglang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa mga titig na iyon.
Suminghap ako at pinalis ko ang luhang hindi ko man lang namalayang tumulo. Tinulak ko siya palayo saka dinampot ang ukulele ko at naglakad palabas. He's being unreasonable . . . again.
The following weeks ay ganoon pa rin. Hindi niya ako masyadong pinapansin. Kaya madalas ay si Charlie o si Zai ang kasama ko. Minsan naman ay nakikita ko silang magkasama ni Clouie ngunit binabalewala ko na lang. I distanced myself from Jai too and just explained what happened para hindi siya maguluhan.
Sa practice naman ay parang noong wala akong naaalala. I interact with them casually, and coldly sometimes. Hindi ko naman gustong tratuhin sila nang ganoon. Marami lang akong iniisip.
Sa tuwing titingnan niya ako sa mata, bakas ang poot, sakit, at pagsusumamo sa mata niya. Miss na miss ko na siya.
Habang wala pang tao sa classroom ay hinigit ko ang lalaki at itinulak sa isang sulok. Marahas kong hinawakan ang magkabilang kamay niya, at saka nakipagtitigan.
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...