08

16 3 1
                                    

"Mahabagin! Doon kayo sa music room maglandian. Nagpra-practice kami rito!" eksaheradang ani Zai habang pina-practice lang namin ni Desmond ang gagawin namin sa music fest.

"Hindi kami naglalandian, Crizainna. We're just practicing," I responded sarcastically, and smirked. Tumigil ako nang makaramdam ng pagod. "Let's take a break," I simply said.

"Right! Bibili lang ako ng banana cue sa labas!" paalam ni Des sabay hila kay Oli upang magpasama.

Charlie handed me my tumbler and sat beside me. Kanina pa siya nanonood dito dahil sabado naman. Ayaw pa raw niyang magtrabaho sa coffee shop dahil boring daw kasama si Siago. Oh, I bet he's lying. Masaya namang kasama ang lalaki. Baka nag-away lang sila ni Atarah. Mas malapit silang dalawa sa isa't isa, e. Para bang matagal nang magkaibigan.

"Akala ko ba nililigawan mo si Laurie?" I asked na tinanguan naman niya. "Dapat siya ang kasama mo ngayon. Dapat nagd-date kayo."

"Busy 'yon," he replied, saka inihilig ang ulo.

"Alam mo ikaw, duda na talaga ako sa 'yong gusto mo si Laurie."

"Hindi naman talaga. Pinilit lang nila akong ligawan o kaibiganin siya. Dahil kung hindi, ihahanap lang nila ulit ako ng babae to forget about my past relationship," pag-amin niya dahilan para malaglag ako sa kinauupuan ko. Kalahating butt lang naman kasi ang nakaupo. He chuckled before helping me stand.

"Seryoso ka?" gulat na tanong ko. Hindi na siya nakasagot dahil dumating na sina Oli.

"Grabe ka, Yezhua. Hindi na namin alam kung sino ang isi-ship namin sa 'yo," walang-hiyang puna ni Blessie na hindi ko na pinansin sapagkat naagaw na ng dalawang lalaking papalapit ang atensyon ko.

"Ang bilis ninyo," sambit ni Alon na sasabihin ko rin sana.

May bitbit silang dalawang plastic bag. 'Yong isa ay para sa banana cues, at ang isa naman ay drinks.

"He ordered these earlier. Ni-deliver na lang sa labas ng gym," nakangising sabi ni Oli. My lips automatically curved a smile as they started teasing Desmond.

"Uy, na-miss ko na 'yong panlilibre ni Des! Mula kasi noong ano — alam niyo na — hindi na siya nanlibre!" Humalakhak si Zai. Habang sinamaan ko naman siya ng tingin.

My gaze diverted to Desmond who's in front of me, holding a bottle of cucumber shake and two stick of banana cue.

"Salamat," tipid na sagot ko. "Bakit dalawa ang akin at cucumber shake? Sakanila ay isa lang, at apple juice."

"Kung hindi pa obvious, Kin, nililigawan ka niya!" sigaw ni Jairro.

I blinked twice. "H-huh?" I asked. Shock was probably evident to my reaction for sure. My cheeks are obviously red.

"Kinsley," he said softly. Napakapit pa ako nang bahagya sa katabi ko dahil biglang nanghina ang tuhod ko. "Kung mamarapatin mo, nais sana kitang ligawan?" patanong na saad ni Desmond. Parang hindi pa siya sigurado ah! Kiddin'. Hindi dapat ako agad bumigay kahit ramdam ko namang sinsero siya.

I felt like I'm crimson red right now! He was anticipatedly staring at me. "S-seryoso ka?" I stuttered. He licked his lower lip before nodding.

Wala pa man, pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa titig niya. Halos tumalon na ang puso ko sa tuwa. My breathing is getting heavy every passing second.

I diverted my gaze and just eat the banana cue. Narinig ko ang pagsinghap ng mga kasama ko at mahinang pang-aasar nila sa amin. Kaya naman nang ituloy namin ang pag-eensayo ay medyo nailang ako.

"Charlie, may lakad ka?"

"Nagpapasundo si Laurie. Shopping daw siya," tila walang ganang sabi niya. I smirked and patted his shoulder.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now