16

13 2 0
                                    

"Hala! Patay ka sa Tatay mo!"

"Kapag isinumbong mo ako, sasabihin ko rin sa kanila ang sikreto mo!" pagbabanta niya sabay agaw sa akin noong phone niya.

"Gago ka. Nanonood ka ng malalaswa," singhal ko sa kaniya. "At saka anong sikreto ang sinasabi mo?"

"Na . . . magkapatid tayo sa ama," sagot niya dahilan upang tumaas ang dugo ko. Pinaypayan ko ang sarili at pinakalma bago ako sumagot.

"Hindi ko kailanman isinikreto iyan. Ang akin lang, ayo'kong pagpiyestahan nila ang buhay natin. Kayo lang din naman ang inaalala ko. Ayaw ko na ng magulong buhay, Jairrus," I firmly told him. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa daan habang abala naman siya sa pagkalikot sa kotse niya.

Kanina pa siya at walang naaayos. Naiinip na ako! Tinapik ko ang kamay niya.

"Ayt!" reklamo niya.

"Tabi! Ako na," pagprisinta ko subalit ayaw niya talagang lumayo kaya naman napilitan akong itulak siya. Hindi ko alam kung malas ba ako ngayon o siya 'yong malas. Kung kailan paalis na kami, saka pa nasira ang kotse niya. "Subukan mo," saad ko matapos kalikutin iyon. May alam naman ako sa mga ganoon kahit papaano. Oli taught me before. Naging raket ko rin naman iyon noon.

Nang umandar ay binigyan niya ako ng manghang tingin. "Ba't ang galing mo?"

I tsked and smirked. "Because I'm Kinsley Yezhua-"

"Esquivel." He cut me off. I looked at him then, glared.

"Because I'm Kinsley Yezhua Adizer. Daughter of Tatiana Adizer, girlfriend of Kane Desmond Esquivel, and best friend of Crizainna Felicce Oliveros and Oliver Ethan Francisco!" I proudly declared. Pumalakpak siya kaya naman pabiro kong sinuntok ang braso niya saka tumawa.

"Pero bakit walang, 'sister of Jairrus Brad Alacantara!'?" kunot-noong tanong niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagpapatawa . . . pero sa hitsura niya ngayon ay natatawa na ako. He look silly.

"Okay," tipid kong wika. I cleared my throat then, "older sister of baby boy Jairrus!" I said playfully. Tuwang-tuwa naman ang gago at nag-bow na akala mo naman ay nasa entablado siya. Pero sabagay . . . dahil sa ingay niya ay napapatingin na rin sa amin ang mga dumadaan.

Ipinakiusap kasi siya akin na bantayan ko siya kaya naman lagi na kaming sabay kung pumasok. Marami nang nagtatanong sa amin ngunit wala naman akong balak sagutin lahat.

"Let's go for a date later," bulong ni Desmond sa tainga ko habang nakapatong ang isang kamay niya sa binti ko. I lightly pushed him away, and annoyingly looked at him dahilan para matawa siya.

Nagbabasa ako, ang hilig mang-istorbo.

"May trabaho ako, KD," tipid na saad ko sa lalaki. Nakakunot ang noo niya nang mag-iwas ng tingin.

"Yezh, may practice kami mamaya. Gusto n'yo bang manood?" Oli asked out of a sudden. May parte sa aking masaya dahil kinausap na niya ulit ako at may parteng malungkot dahil hindi ko sila mapapanood. Minsan lang siya mag-aya tapos hindi pa ako makakasama.

Umiling ako at ininguso si Charlie na naglalakad sa 'di kalayuan.

"Nga pala, sama tayo sa kanila. Gusto ko na ulit kumanta gaya noong dati," sabat ni Zai.

"Louds are not allowed," pagpaparinig ni Zayn dahilan para singhalan siya ng babae.

"Geez . . . Kung bawal pala ang loud, bakit nakakasama ka pa?! Kutusan kaya kita!" iritadong sigaw ni Zai.

Des suddenly tapped my knee kaya naman nabaling ang atensyon ko sa kan'ya."Tara? I'll give you a ride," halos pabulong na aniya. I smiled widely and nodded like a kid. Tinali niya muna ang buhok ko bago ako tinulungan sa pagliligpit ng gamit.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now