"Let's all welcome the Salvia!" masiglang sigaw ni Ma'am Liezl.
Kami ang pinapili ng pangalan para sa grupo at iyon ang napagkasunduan naming lahat. Kanina lang din namin iyon naipasa sa Director kaya na-delay ang pag-announce nila.
Sunud-sunod na kaming umakyat sa stage at isa-isang nagpakilala. Nang matapos ay pumunta na kami sa gym upang kumanta ulit doon.
Hindi ko nga maintindihan minsan kung bakit BA in Fashion Design ang kinuha ko. 'Di hamak namang mas mahusay ako sa pagtugtog ng iba't ibang instrumento, at sa pag-awit.
Dumaan ang ilang oras at ang gagawin naming pag-eensayo mamaya ang tanging iniisip ko. Kalimitan sa mga kaklase namin ay umalis na at hindi pumasok. Gumigimik na naman ang mga iyon, lalo na ang mga lalaki na laging nasa bilyaran.
"Anong tutugtugin natin?" Clouie asked while fixing the viola.
"Ano pa? E'di 'yung Messiah. Kailangan ay aralin na natin ang piyesang iyon," pabalang na sagot ni Zai.
"Bakit hindi mo pa puntahan ang mga kabanda mo?" Oli who's seated beside me, suddenly asked.
"I don't feel like playing instruments now. Ewan ko. Nakapagtataka." I sighed. "Parang mas gusto ko na lang maupo rito at gawin ang portfolio ko kaysa sa makisalamuha sa mga tao."
I lied. Ang totoo ay iniisip ko pa rin kung paano nalaman ni Clouie ang tungkol sa akin. Tanging sina Oli, Zai, Mahalia, Blessie, Jessica, Lualhati, at ang Nanay lang ang may alam.
Hindi na siya sumagot pa dahil tinawag na siya ni Zayn. Ganoon din ako dahil tinawag na ako ni Andree.
Paminsan-minsan ay sumisilay ako sa mga lalaki habang nag-eensayo kami. Nahuli ko pa si Desmond na nakatingin sa akin at nakangisi.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig . . ." pagkanta ng mga kasama naming siraulo. Umirap ako at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko alam kung anong trip nila. Naging kami ba no'ng Desmond na 'yin dati? Parang hindi man, e. Wala akong maramdaman na spark sa tuwing magkasama kami, o kahit na ano. Kaibigan lang din ang turing ko sa kanila.
"Luntian," I uttered.
"Ay, pakshet. Napansin na rin siya ng crush niya!" pang-aasar sa kaniya ng mga kabanda.
"Ulol n'yo! Si club girl ang crush ko. Tsaka baka may magalit 'no!"
Umiling na lang ako. "Nakita mo ba si Charlie? 'Di ko kasi siya mahagilap kanina pa."
"Awts, akala ko madadagdagan na ka-love team ni Yezhua. May iba pa lang hanap," eskeheradang sambit ni Mahalia. Parang mga gago. Kanina pa sila. Lahat na lang ay binibigyan nila ng malisya.
"Hindi ko siya nakita," simpleng sagot ni Ricci.
"Binibining Yezhua!" the familiar baritone voice reached my ears. Bumaling ako sa harap at nakita si Charlie na nakangiti. "Ikaw ha. Miss mo agad ako," mapang-asar na aniya.
"Asa ka, Charlie," sarcastic na tugon ko dahilan para sumimangot siya. "Kiddin'. Ba't 'di ka kasi nagpapakita?"
"Nagtatampo pa rin ako," parang batang sambit niya.
"Huh? Anong ginawa ko sa 'yo?"
"'Yong sa drawing at sulat mo kahapon. Grabe, napaka-sweet mo, at sobrang haba ng mensahe mo ha. 'HBD, dre.' ampucha. Dre?! By the way, pina-frame ko na 'yon at nakasabit na sa kuwarto ko. Baka sabihin mo ay wala man lang akong appreciation," walang hiyang sagot niya't umakbay sa akin.
I pulled away dahil bahagyang nagulo ang damit ko. Hindi naman siya ang namamalantsa eh.
"Talaga?" I asked, chuckling. Nabaling ang tingin ko sa padabog na naglalakad na si Desmond nang sumigaw siya.
YOU ARE READING
A Sweet Escape (UNDER REVISION)
Romance[YS1: A Sweet Escape] Two people in love whose life and association are tested by time and destiny. - A young lady who grew up with her mother as her only family met a guy whom she never expected to love eternally no matter how many obstacles they h...