Chapter 22

646 21 27
                                    

Tahimik lamang akong nakaupo sa pasenger sit. Habang inaantok na binibilang ang nadadaanang mga puno ng niyog. Mag-isa lang sana akong babyahe kung hindi ako nito nahuling lumabas ng kwarto bitbit ang mga gamit ko.

Balak kong bisitahin sina nanay at tatay. Mataba pa ako noong huling bisita ko sa kanila. Magugustuhan kaya nila ang bagong ako.

"Gisingin mo ako kapag nasa bayan na tayo ng Santa Maria. May bibilhin lamang ako" hindi ko ito tiningnan ng sabihin ko iyon.

"Alright, now sleep"

Nababalot pa ako ng hiya dahil sa nangyari kahapon. Kitang kita sa manipis na T-shirt na iyon ang buong ako. Hindi ko alam kong paano siya pakikitunguhan. Nakita ko na rin naman ang kabuohan niyo noon. Hindi nga lang malapitan.

Kumabog ang dibdib ko ng siya ang mabungaran ko ng magising ako. Gwapo pa rin kahit sa bagong gising kong paningin.

"We're here. I dont know what to buy. Kaya ginising na kita" napatikhim ako at pasimpleng inayos ang sarili.

"Salamat" bahagyang ngumiti ako at bumaba ng sasakyan.

Malaki na ang pinagbago ng bayan kaya hindi na ako nagtaka kung matagalan ako.

"Magandang araw po, nagpalit na po ba ng pwesto si Nanay Sesang"

"Naku oo! Doon na siya naka pwesto sa gilid ng bagong pinatayong building ng Novo"

"Saan po iyon?"

"Naku, Edgar samahan mo nga itong si Ms. Ganda sa pwesto ni Sesang" pakisuyo nito sa lalaking edad mid 20's

"Samahan na kita Ms."

"Salamat"

"Bago ka rito? Ms.?"

"Hindi, taga rito talaga ako" tipid na sagot ko

"Hindi kita kilala, siguradong dayo ka" may pinalidad nitong sagot "Hayun ang pwesto ni Nanay Sesang" turo nito sa maliit na kubo sa katabi ng bagong building

"Salamat" nginitian ko iyon at nagpatiuna ng lumakad. Ganoon na lamang ang hiyaw ko ng matisod ako ng bato. Muntik ng tumama ang mukha ka sa kalsada kong hindi niya ako nasalo.

"Magiingat ka Ms. kumusta? May masakit ba?"  nakahawak ang kamay niya sa bewang ko at ang isa ay nasa braso ko.

"Move away from my woman" simpleng salita pero pareho kaming natigilan ni Edgar

"Kilala mo?" hindi ako agad nakasagot. Bigla akong kinabahan.

"Sino ka ba?" maagas na pahayag ni Edgar

"You don't wanna know" maangas at maawtoridad na sagot ng huli. "No one dare's to touch my pumpkin" napalunok ako ng laway ng hilahin ako nito sa bewang palayo kay Edgar. Mahigpit ang yakap niya sa bewang ko. Para bang pinagdadamot.

"Ti—tinulungan lang naman niya ako"

"I know. I have eyes." matigas tono ng sagot nito at walang balak makinig sa ano mang sasabihin ko "But still. He touch what's mine"

"Tumulong lang naman siya"

"I don't care. Hinawakan ka pa rin niya."

"Ewan ko sayo, ang hirap mong kausap" binaklas ko ang kamay nito bewang ko at walang lingon lingong dumeretso sa tindahan ni Nanay Sesang.

Inis man ay nagawa kong ngumiti sa harapan ni Nanay Sesang na mukhang hindi na ako kilala.

"Nanay Sesang pabili po ng apat na kahong Soreche"

"Pasalubong ba iha"

"Opo nanay"

"O siya, sandali at ihahanda ko" may kinuha itong plastik at isinilid sa loob nun ang apat na kahon ng Soreche

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon