Chapter 24

657 19 18
                                    

Bitbit ang maliit na parcel ng pumasok ako ng opisina ni Kuya Flint. Abala ito sa mga papeles kaya nagalit pa ito ng ipaalam ko iyon sa kanya. Ang dami pang sinabi bubuksan rin pala.

Literal akong napakamot sa ulo ng humahangos itong umalis na hindi manlang nagbilin kong irere-sched ang meeting na gaganapin ngayong araw.

Hindi na rin ako pinuntahan ni Mr. Greengrass simula ng araw na 'yon. Hindi man siya pumupunta ay hindi naman siya pumapalya sa pagpapadala ng bulaklak at pagkain.

'Sit still and be pretty pumpkin. I miss you'
Mahal na kita
-Lachlan'

Pigil ko ang kiligin sa harap ng delivery boy. Kasabay ng impit kong pagtili ay ang pagtunog ng telepono ko.

"Nay, napatawag po kayo"

'Morana anak. Anong bang kulay ng mata ni Lachlan? Kanina pa kami nagtatalo ng tatay mo'

"Kulay Ice blue po nanay"

'Ice blue? Anong kulay iyon?"

"Ahm. Mapusyaw na asul po nanay"

'Kita mo na Ronaldo, hinding hindi ka mananalo sa akin. Hindi ka marunong kumilatis, anong puti?. Saan ka nakakita ng matang puti? Kakapanuod mo ng palabas sa TV 'yan! O sya anak, Morana nariyan ka pa ba? Magiingat ka diyan sa Maynila.' narinig ko pa ang pagtatalo ng dalawa ng patayin ni nanay ang tawag.

Hindi ko pa nabababa ang cellphone ng tumunog ito indikasyon na may nagmessege.

'I'll be in charge on your lunch and dinner. You should send proof that you finished all of them'

"May pagkain dito sa cafeteria"

'Kakainin mo kong anong binili ko pumpkin. No buts. Or else araw araw akong pupunta riyan. Para subuan ka'

Masyado akong nawili noong mga nakaraang araw at hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ko.

'May-ari ng SCO Gold Mines nakatakas mula sa pulisya matapos ma-aresto sa kasong human trafficking'

Iyon ang nakasulat ng malaki sa unang pahina ng nakakalat na dyaryo. Nangibabaw ang kaba sa dibdib ko ng mapagtanto kung ano iyon. Nang tingnan ko ang date ay noong isang araw pa iyon.

Kaya pala sunod sunod na text at tawag ang natanggap ko kay Azariah simula kahapon. Checking if I am okay. Sa sobrang busy ko sa trabaho ay hindi ko na namalayan ang mga iyon.

Gusto kong mag collapse sa sunod sunod niyang utos sa akin.

"Kuya Flint malapit na akong magreklamo" nanatili ang walang pake kong mukha ng sabihin ko iyon.

"Pakihanap ng pake ko" binato ako nito ng stress ball na nasalo ko naman.

"Hanapan mo ako nito" turo niya sa mga bulaklak " I need them on September 22 for set up. Make sure na fresh pa yan kinabukasan"

"Ano bang gagawin mo sa mga bulaklak"

"Bakit ka ba tanong ng tanong?"

"Hindi na ito parte ng trabaho ko as your secretary" reklamo ko pa

"Fine! Huwag mo akong tulungan! Hindi ka invited!" bwiset na sabi nito na ikinatawa ko

Naiiling na sinunod ko ito. Marami pa itong inutos may invitation, venue, at maging paghahanap sa designer at may ari ng Niflheim Mimosa ay ginawa ko na.

Kaya hindi na ako nasurpresa isang araw na maabutan ko si Azariah na naggugupit ng tela sa opisina mismo ni Kuya Flint.

Kung matigas ang ulo at maarte si Kuya Flint ay mas doble noon si Azariah. Si Margaux lamang ang lumelevel ng kaunti sa kanya.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon