Chapter 9

626 18 1
                                    


"Po?" naniniguro kong tanong. Baka may mali lang sa pandinig ko

"Boyfriend mo ba si Crouch"

Wala akong mahanap na tamang salita para sagutin ito. Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"No" walang buhay kong sagot.

"Good, I dont tolerate relationship on my company" iyon ang sinabi nito bago ako iwan na tulala doon

Naiilang na dumistansya ako kay Mr. Greengrass ng maalala na naman ang nangyari noong nakaraang biyernes. Iyon ang unang pagkakataon na hindi ako naging komportable na kasama siya.

Dati rati naman ay wala ang ganoong pakiramdam, marami lang siguro akong iniisip

Sa dami ba naman ng inutos nito, ang kaisa isa kong restday ay nadamay pa. Para akong lantang gulay na nakasunod dito. Antok na antok pa ang diwa ko simula ng tawagan ako nito kaninang umaga.

Kinagat ko ang dulo ng dila ko para manatiling gising ang diwa ko. Nangunot ang noo ko ng marating ang opisina ko

Anong ginagawa ko dito? Nasaan si Mr. Greengrass

Lumalipad ang isip ko kong paano ako nakarating doon ng hindi namamalayan. Nang biglang tumunog ang cellphone ko

"Yes Hello?"

"Seriously Rana? Hello ang isasagot mo sa akin?! Get your fucking ass in here!" nailayo ko sa tenga ang cellphone dahil sa malakas na sigaw nito

"Saan po?" dala ng antok kaya hindi ko na alam ang sinasabi ko

"Why are you so fucking idiot?"

"Hindi ko din alam"

"Fuck!" napatitig ako sa cellphone ng mawala ang tawag nito

Iniisip ko pa rin kung saan ako nito pinapapunta, inaantok pa rin talaga ako

Tamad na tamad ang lakad ng makalabas ng ako ng sariling opisina hindi ko matandaan na dumaan ako dito kanina. Nawawala talaga ako sa sarili kapag pagod at inaantok. Mahinang sinampal ko muna ang sarili bago buksan ang malaking pintuan ng meeting room

Inaasahan ko na sisigawan ako nito kagaya ng ginagawa niya sa ibang empleyado, bagkus ay matalim na tingin lamang ang nakuha ko.

Hindi ko iyon pinansin, bukod sa nakakainis ang ganoong uri ng tingin niya ay inaantok akong talaga.

Humila na ako ng upuan katabi ng representative ng designing department ng tawagin ako nito

"Rana" isa pa iyon sa nakakadagdag ng pagkailang ko kapag malapit siya. Hindi na niya ako tinatawag sa apelyido ko o di kaya ay sa mapanuyang pet name nito sa akin ng makita niya ako sa mansyon ni Mr. Leonardo.

Hindi ako sumagot ng salubungin ko ang tingin nito, sinenyasan niya akong maupo sa kalapit nitong upuan.

Tamad na tamad na umupo ako roon at dumistansya ng ilang ruler ang layo sa kanya. Nangunot ang noo nito pero hindi ito nagsalita.

Nagsimula ang meeting ng wala akong naiintindihan. Kanya kanyang present ang mga designer tungkol sa dala nilang prototype ng kwintas.

Kahit hindi pa iyon ang pinal na desenyo at structure ng ila-launch na kwintas ay napakaganda niyon.

Kahit na anong ganda ng nakikita ko, lamig at may bahid na inis ang maawtoridad nitong boses isama pa ang mahinang bulong bulungan sa paligid ay inaantok pa rin ako

Naalimpungatan ako dahil sa mahinang tunog na para bang may nagtu-toktok sa mesa.

Napaayos ako ng upo ng mapansing wala ng tao sa meeting room.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon