Chapter 15

660 18 13
                                    

Pinagmamasdan ko ang dalawang kong paa at pilit na iniyuyuko ang ulo. Ngayon lamang ako nilukob ng hiya habang nakaupo sa stool ng kusina.

Makapal at may kahabaan ang suot ko asul na long sleeves, at sa ilalim noon ay wala akong suot na kahit ano.

Muli kong sinuri ang kabuohan ng kusina, kung hindi lang nabasa ng pawis ang damit ko ay kanina pa ako umuwi.

Naroon si Mr. Greengrass at nagluluto ng kung ano habang ako ay nakaupo dito sa stool. Narinig ko pa ang pagbahing nito dahil sa paglalagay ng paminta.

"You okay?" tumango ako ng nakayuko ayaw ko siyang tingnan

"Pumpkin?" hindi ako sumasagot kapag tinatawag niya akong imported na kalabasa, ayaw kong masanay, mahirap na.

Simula kanina ay hindi na ako nito nilubayan, hindi ko inakala na may makakakita sa akin ng ganoong sitwasyon maliban kay Margaux.

"Kapag natuyo na ang damit ko uuwi na ako"  mahinang sabi ko,  ilang minuto akong naghintay ng sagot niya pero wala akong narinig na kahit ano.

Kinagat ko ang labi at pikit matang inangat ang tingin sa direksyon ng stove bago nilakasan ang boses

"Mr. Greengrass kapag natuyo na ang damit k—"

"Says who" hindi ko na natapos ang sasabihin ng may magsalita sa harapan ko.

Pag mulat ko ng mga mata ay naroon ito sa harapan ko, walang damit pang-itaas at nakahilig sa counter

"Hindi ka aalis"

"Pero kailangan kong umuwi"

"It's already six in the evening" komento pa nito

"Maaga pa naman, makakahanap pa ako ng taxi"

"Taxi? With that hobby of yours" ngumisi ito sa sariling sinabi "Hindi ako papayag"

"Marami pa akong trabaho"

"Im your boss, that work can wait. Now  eat." Itinulak nito ang isang mangkok ng sopas sa harapan ko

"Fasting ako, kapag gabi" hindi ko maintindihan kong bakit nagdilim ang mukha nito sa sinabi ko

"Eat."

"Hindi talaga ako kumakain kapag gabi"

"I'll banned all the almonds in the company or you'll eat" nagbabantang tono nito

"Hindi mo yun magagawa"

"Try me pumpkin." hindi nawawala ang nakakatakot nitong ngisi sa labi "Now choose"

Almonds lang ang pantawid gutom ko para hindi tumaba, kung yun ay mawawala pa, hindi na magiging maayos ang diet ko.

Sumusukong tiningnan ko ang isang mangkok ng sopas sa harap ko, hindi naman siguro masama kong kakain ako ngayong gabi. Nang iangat ko ang kutsara para tikman ay ganoon na lamang ang pagkailang ko ng makitang nakasunod pala ang tingin nito sa ginagawa ko.

Naiilang na iniwas ko ang tingin dito at isinubo ang isang kutsarang sopas.

"How does it taste like? Is it bad? Or good?"

Hindi ko pa naiibuka ang labi ng may mag doorbell sa labas, wala sa sariling tinakbo ko ang distansya ng front door mula sa kusina.

Nakatapak na pinuntahan ko ang gate, bumulaga sa akin ang delivery boy na hawak ang mga pagkain mula sa isang fastfood chain

"Ano yan kuya?"

"Maam, pizza, burger, fries, ice cream at pasta po"

"Anong gagawin ko diyan?" Sa sobrang pagkailang ko ay hindi ko na alam ang ginagawa ko

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon