Chapter 5

643 21 3
                                    

Tunog lamang ng takong ng sapatos ko ang maririnig sa tahimik na hallway ng Emerald Corporation

Ito ang ikatlong beses kong maghahatid ng files sa opisina ng hinayupak na may ice blue na mata.

Mabuti na lamang at hindi na ako magseset ng appointment kapag magpupunta ako roon, base sa sinabi ni Mr. Leonardo

"Good afternoon Mr. Greengrass" iyon lamang ang sinabi ko ng makapasok ako sa 20th floor prenteng nakaupo ito sa swivel chair sa pinakagitna at may hawak na folder

"Out" gusto kong ituro ang sarili ko para malaman kung ako ang tinutukoy nito pero hindi ko ginawa bagkus ay derederetso ako sa mahabang lamesa sa harap nito at inilapag ang mga files

"I said out! Hindi ka ba marunong umintindi" walang pakialam na umangat ang tingin ko, dito bago tumalikod

Gusto kong ihampas yung folder sa mukha nito pero dahil professional ako hindi ko yun gagawin.

Tunog pa rin ng takong ng sapatos ko ang naririnig hanggang sa marating ako sa harap ng elevator

"Where the fuck are you going?!" pakiramdam ko ay nangilabot ako ng bigla nitong hawakan ang braso ko

May mga imahe akong nakita, na hindi ko gustong maalala, mariin kong pinikit ang mata para iwaksi ang mga imahe na iyon

Magaling na ako,  Margaux assure me that

Fear

Tama,  takot lang ang nararamdaman ko

Kagat labing humarap ako dito "D- Do you need something?" Kagat labing huminga muna ako ng malalim bago inayos ang salamin bago sinalubong ang tingin nito "Mr. Greengrass?" I need to compose myself

Nasa trabaho ka Morana! Umayos ka.

Hindi ito sumagot at hinila ako at basta na lamang itinuro ang folder sa ibabaw ng mesa na nakapatong sa mahabang table nito

"Throw it away, together with those" turo nito sa box na malapit sa trash bin "Then you're allowed to leave"

Biglang uminit ang dugo ko sa narinig pero nagawa ko pa itong tingnan at binigyan ng kiming ngiti habang pinipigilang ipakita matatalim na mata dahil sa inis

"And tell my father that I dont want to be involved in his business" sinenyas pa nito ang kanang kamay bago nakapamulsang bumalik sa dati nitong pwesto.

"Edi sana sinabi niya noong una pa lang, para hindi ako nag effort at napagod ng ganito, hinayupak na nga! Ang kapal pa ng mukha!" Pabagsak kong isinara ang trunk ng taxi ganoon din ang pinto ng makasakay ako

Mabibilis ang tipa na nag email ako kay Mr. Leonardo na ayaw tanggapin ng magaling niyang anak ang mga urgent files na pinapadala niya

Matapos ang hit ng sent ay napahilot ako sa sintido, sirang sira ang araw ako

"Mukhang stress ka Morana" bati sa akin ni Chloe habang yakap ang isang frame kung nasaan ang mukha ng hinayupak na walanghiya

"Marami lang trabaho" inubos ko ang oras sa pagpapalit ng notes sa desk ni Mr. Leonardo bago tinapos ang ilang documents na kailangan nitong basahin, bago napagdesisyonang umuwi

Pero hindi ako sa condo dinala ng mga paa ko kundi sa mall at ngayon ay papasok na sa isang bookstore

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero, nakita ko na lamang ang sarili ko na kumukuha ng magazine at dalawang dosenang dart bago nagbayad at umalis sa lugar na yun

Kanina ko pa pinagiinitan ang mga litrato ng anak ni Mr. Leonardo, nabubuwesit talaga ako sa pagmumukha nito.

Dahil dito ay nagkaroon ng maliliit na butas ang pader ng kwarto ko dahil sa mga dart na mukhang umiiwas sa mukha nito at kung saan saang parte ng kwarto tumutusok

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon