Chapter 20

678 20 24
                                    

Kabang kaba ako habang naglalakad papuntang conference room. Pinagiisipan ko na kung ano ang gagawin ko para lang makaiwas roon.

Ilang taon na rin ang lumipas simula ng araw na iyon. Nanahimik ako, siguro naman sa ayos at porma ko ngayon ay hindi niya ako makikilala

Magpapanggap ba akong nahimatay? Masakit ang ngipin? Natatae? o Tatakbo na lang ako palayo.

Nasa gitna pa ako ng pagiisip ng may pumitik sa noo ko.

"I said were here" hindi ako makasagot, hindi ko rin magawang ngumiti, palipat lipat ang tingin ko sa mukha ni Mr. Greengrass at sa pinto ng conference room.

Naroroon na naman ang nakakatakot niyang awra na unti unting lumalawak. No emotion plastered on his face, mararamdaman mong nakakatakot siya at hindi siya basta basta.

Inayos ko ang suot na salamin at lakas loob na sumunod pagpasok sa loob.

Pinanatili ko ang matigas na mukha ng pumasok kami, pero muntik akong madapa ng makitang sa akin natuon ang tingin ng taong kinamumuhian ko.

Buti na lamang at humarang ang katawan ni Mr. Greengrass sa harap ko, kaya nagawa kong huminga at ikalma ng bahagya ang sistema.

"So your the Ceo of this big company. Nice to meet you" hindi tinanggap ng huli ang pakikipagkamay, nagtuloy tuloy lamang ito sa paglalakad.

Animo'y hari na prenteng naupo sa pinakadulong upuan ng conference room. Nakapalibot pa rin dito ang awra nito kanina. Masasabi mo na isa siyang malaking tao sa industriya.

"Have a seat" maawtoridad na utos niya sa bisita. Kahit akong empleyado ay naghanap ng mauupuan.

Hindi ko alam kong saan ako pupwesto, kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay unti-unting bumabalik ang sinaryo ng araw na iyon.

"Your employee seems bothered, is she okay?" he smile, a creepy one may kakaiba sa tingin niya.

"Come here Irish" napatingin ako kay Mr. Greengrass ng tawagin niya ako sa pangalawang pangalan ko.  Lihim na ipinagpasalamat ko iyon. "I need you here" he slide a chair beside him before he pat it.

Gusto kong takbuhin ang tatlong metrong pagitan naming dalawa. Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Gusto kong tumakbo at umalis.

Nanlalambot ang tuhod ko sa bawat hakbang na ginagawa, napahigpit ang hawak ko sa yakap na folder ng isang hakbang nalang at makakatapat ko na ang nakatayong si Mr. Salcedo.

Gusto kong sumigaw ng hawakan niya ako sa pulsuhan. Gusto ko siyang itulak ng malakas at sabihing huwag niya akong hahawakan.

Baka isipin nila na baliw ako kapag ginawa ko iyon.

"You look pale iha, may sakit ka ba?"  napaatras ako ng akmang hahawakan nito ang noo ko

"Okay lang po ako" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni Mr. Greengrass.

Wala akong pakialam kong dikit na dikit ako sa pwesto niya. Mas mapapanatag ang loob ko na hindi ako nagiisa sa kwartong ito kasama si Mr. Salcedo.

Panay ang punas ko sa pulsong hinawakan niya. Pakiramdam ko ay napakadumi niyon.

Nang mapalingon ako kay Mr. Greengrass ay madilim ang tingin nito sa pulsuhan ko. Kaya mabilis ko iyong itinago. Mukhang kalmado at iniintimida ang kaharap. Sa tagal ko ng nagtatrabaho dito ay alam ko kung kailan ito galit.

Gusto kong humingi sa kanya ng paumanhin dahil sa inasal ko. May potensyal pa namang maging supplier namin si Mr. Salcedo dahil sa hawak niyong mga bato.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon