Chapter 27

442 12 13
                                    

Wala sa sariling nakatulala ako sa kisameng may salamin.  Gusto kong kaawaan ang sarili. Tadtad ng pasa ang namamagang mukha. Namumula ang iba habang ang ilan ay maitim na. May marka ng tali ang kamay ko at mga paa. Namumutla ang pumutok na labi at maitim na ang pasa sa labi.

Hindi ko na makilala ang sarili sa suot na bestidang puti. Tadtad ng pasa, namumutla at may mga sugat.

Pinapakiramdaman ko ang sarili, sa sobrang manhid ay wala akong maramdaman. Hindi ko na maigalaw iyon sa sobrang panghihina.

Sigurado akong hindi na ako tatagal ng dalawang araw.

Hindi ko na maibuka ang labi sa sobrang manhid. Tuyong tuyo rin iyon. Bahagyang tunog na lamang ang nailalabas ko na kahit ang mga langgam ay hindi maririnig.

Muli kong tiningnan ang sarili sa malaking salamin sa kisame.

Mula roon ay kitang kita ko na bumukas ang pintuan ng silid. Iniluwa ang taong ayaw kong makita.

Hindi ako kumibo, hindi ako gumalaw. Sinusundan lamang ng mga mata ko ang bawat kilos niya.

Hindi ako makaiwas, hindi ako makasigaw, hindi ako makapagreklamo ng haplusin niya ang buhok ko.

Iniisip ko kung naangkin niya ako ng gabing iyon. Maging ang kaalamang iyon ay pinagkait na rin sa akin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal natutulog. Hindi ko rin alam kong ginagamit niya ako habang walang malay.

Nangilid ang luha ko ngunit walang hikbi o tunog na maririnig.

Umaagos lamang iyon.

Napapikit ako ng makitang unti unti niyang ibinababa ang strap ng suot kong puting bestida. Pagod na ang katawan ko at wala na rin akong boses para umangal pa.

Nagsimula na ulit siyang halikan ang leeg ko pababa sa dibdib. Patuloy na umaagos ang luha. Pinili kong ipikit ang mga mata. Ayaw kong makita mula sa malaking salamin sa kisame kung paano niya ako binababoy.

Taimtim na nagdarasal na sana sa kahuli hulihang pagkakakataon ay may saklolo. Ilang beses na ba akong humiling. Ilang beses na ba ako taimtim na nagdasal. Ilang beses na akong nagmakaawa.

Walang sagot akong narinig.

Wala na akong saplot ng makita ko ang sarili sa salamin. Nasa leeg ko ang kamay niya na parang sinasakal ako. At ang kanan ay pinaglalandas sa katawan ko at hinahalikan ang bawat parte ng katawan na madaanan ng labi.

Pinikit ko muli ang mga mata. Patuloy na umaagos ang luha sa gilid noon. Bahagya ko na lamang maibuka ang labi sa sa uhaw, gutom at pagod ng katawan. Kailan ba ang huling beses akong kumain o uminom ng tubig manlang.

Nagmulat ako ng mata ng umalis sa ibabaw ko ang matandang iyon. Nagmamadali itong uminom ng droga. Pampadagdag ng libog sa katawan.

Iniiwas ko ang tingin at ibinalik sa sarili. Kahit ako ay naaawa sa sarili ko. Nagsasalita ito pero hindi naiintindihan. Wala akong naririnig kundi ugong lamang.

Binalak kong magsalita pero kahit kaunting tunog ay walang lumalabas. Dumagundong ang kabog ng dibdib ko ng may kunin itong itim na mukhang tubo. Sa sobrang panghihina ay hindi ko na malaman kung ano iyon.

Pinaglalandas niya iyon sa katawan ko habang may sinasabi pa rin na hindi ko marinig. Nasa mukha niya na sumisigaw na siya pero hindi ko iyon marinig. Sumasakit ang ulo ko sa pagkahilo. Alam kong inihahampas niya sa katawan ko ang animoy batuta na iyon. Kitang kita ko iyon sa itaas, sa salamin sa kisame.

Niyuyogyog niya ang katawan ko. Kitang kita ko pa roon kung paano napabaling sa kaliwa ang ulo ko dahil sa sampal niya pero hindi ko na iyon maramdaman pa.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon