Chapter 8

620 20 4
                                    

Bumungad sa akin ang mamahaling sasakyan ni Mr. Greengrass,  itim na Bugatti Divo.

Nakasunod lamang ako rito habang bitbit ang isang office box ng mga reports at plano para sa launching ng limited edition nitong kwintas.

"Get in" malumanay na sabi nito ng pinatunog ang sasakyan indikasyon na bukas na ito.

Nangangawit na ang mga braso ko kaya hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako nito ng pinto. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng backseat at inilapag doon ang kahon.

Bago pa ako makapasok ay may humila ng damit ko sa likod

"You are my secretary old maid, Im not your fucking driver, do you understand?!"

"Nakakaintindi po ako ng english kaya its a yes" walang emosyon ang pagkakasabi ko noon at kitang kita ko ang dumaang inis sa mga mata nito

"Get in!"  sinunod ko naman ito at agad na sumakay sa passenger seat

Mahigpit ang pagkaka-kapit ng kaliwang kamay nito sa manibela habang madilim ang tingin sa unahan

Gwapo sana kaso mainitin ang ulo

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa dibdib at nilanghap ang panlalaki nitong amoy sa loob ng sasakyan.

Walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta, sa pag-usad ng sasakyan ay hindi ko mapigilan ang hindi antukin.

Napaigik ako ng umuntog ang mukha ko sa kung saan. Hinihimas ang noong sinamaan ko ng tingin kung ano man ang nasa harap ko.

Crush siguro ako ng dashboard. Humihingi ng kiss habang tulog ako.

Kung hindi dahil doon ay marahil masarap pa rin ang tulog ko.

"Could you please get out of my car?" ng marinig ang boses na iyon ay mas lalo pa akong nagising,

"Okay" mabilis akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang gamit sa backseat.

Ito na ang nagsara ng pintuan ng kotse at nauna ng maglakad.

Antipatiko!

Hindi manlang ako tinulungan!

Napaka-ungentelman.

Sinadya kong lagyan ng tunog ang bawat hakbang ko. Dahilan para marahas itong lumingon sa pwesto ko

"Stupid" its just a statement pero nagdala ng galong galong inis sa katawan ko

Bumuntong hininga muna ako bago inilibot ang tingin.  There is a 3 floor modern house, a luxury modern house to be exact.

Hindi ito ang bahay ni Mr. Leonardo, kaya sigurado akong isa iyon sa pagmamay-ari ng hinayupak kong boss.

Labas pa lang ang nakikita ko ay parang kinakapos na ako ng hininga sa ganda

And as expected, the interior of the house is magnificient. May malaki rin itong chandelier kagaya sa kompanya ng Emerald Corporation.

Mas maganda at elegante itong tingnan kesa sa mala-penthouse nitong opisina

"Have a seat, we have a lot of works to deal with" tumango lamang ako at naupo sa sofa malapit sa center table.

Hindi ko na ito hinintay at isa isa ng inilabas ang mga folder na hindi ko natapos kanina. Nakagat ko ng mariin ang labi ko ng hindi ko na mabuksan ang laptop ka dahil lowbat na.

Tinanggal ko muna ang heels na suot, nakakahiya naman baka madumihan ang bahay dahil sa sapatos ko.

Bitbit ang laptop at charger ay palinga linga akong naghanap ng outlet plug para masimulan ko na ang trabaho ko.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon