Chapter 1

1.2K 28 3
                                    


"Up! down! Up! down!" sunod sunod na sabi ni Azariah

"Sige pa Rana, ayusin mo gusto mong pumayat diba, work hard until you achieve it" si Margaux iyon may malaking pizza ito sa harap at ang isang kamay ay hawak ang notebook kung nasaan ang notes nito, malapit na ang lisensure exam nito

Ubos na ubos na ang enerhiya ko pero kahit kaunting patak ng tubig ay tinatanggihan ko, pakiramdam ko ay nakadadagdag iyo ng bigat ko

Simula ng makagraduate ako ay madalas na sa condo ako ni Azariah natutulog, she even buy a gym set equipments and a thread mill for me as a graduation gift.

Halos magbali ang leeg ko noon kakailing para makatanggi sa regalo niya, pero dahil nagpumilit ito at ginatungan pa nina Zephyr ay pumayag na rin ako

"Hello everyone! Hello world! naghanda ako ng foods!" Malakas na sigaw ni Autumn ng makapasok sa condo unit, para namang mga gutom na tuta na nagsi-pila sina Zephyr, Azariah, at Mitch.

"Hoy! Kay Rana yan! Bakit mo kinuha!"

"Akin na to ayaw niyang kumain!"

"Ibalik mo sabi! Hoy Margaux! Isa!" Padabog na binato ng bagong dating ang tumatakbong si Margaux

"Oo na sige na" masama ang loob na inilapag nito ang pagkain sa harap ko

"Hi! Rana" she always like this cheerful, mabilis kong tinakpan ang ilong ng malanghap ang masarap na amoy ng pagkaing dala niya

Kapag malapit si Autumn ibig sabihin may tukso

"Come on! Magtatampo ako kapag hindi mo tinikman ang luto ko" akmang hahawakan nito ang pisnge ko ng tumayo ako

"Okay, okay ito na kakain na"

"Ang cute cute mo talaga!" hindi na ako nakaiwas ng pisilin nito ang pisnge ko

"Rana, hindi ka papayat kung magpapagutom ka" ngumunguyang sabi ni Margaux

"If you are willing to lose weight, trust us and Autumn's food" sabi naman ni Mitch habang ginugulo ang buhok ko she's really sweet and caring

I knew them for almost 3 years and it feels good to have friends

"Sige na tumuntong kana" udyok sa akin ni Zephyr ito ang pangatlong linggo simula noong i-monitor namin ang timbang ko

Napapikit ako ng tumuntong ako ng timbangan, ayokong makita iyon

Malakas na tili ang narinig ko kaya napatakip ako ng sariling tenga

"Success!"

"Ang laki ng nabawas sayo!"

"110 kilo's to 80 kilos and now to 65 kilos!" Doon ako napadilat ng mata

"Wow" mahinang sambit ko sa sarili hindi ako makapaniwalang bumababa ang timbang ko

Babagsak na sana ang luha ko ng alugin ako ng mga ito

"Ang galing mo Rana!" Tumatalon pa ito habang inaalog ako

"Ano ba Zephyr nasasaktan mo si Rana e" saway ni Azariah dito akala ko ay makakahinga na ako pero ito naman ang umuga sa katawan ko, hindi pa ito nakuntento at niyaya pa ang iba na alugin din ako

"We should celebrate! Wohoo! Autumn magluto ka!" Laking pasasalamat ko sa sigaw ni Margaux dahil tumigil ang mga ito kakauga sa akin

"Mukha kang pagkain!" Batok ni Mitch kay Margaux "Pero sige padeliver tayo! Autumn! Cook for Rana!" mabilis pa sa alas kwatrong nawala ang mga ito tabi ko at pumipili na ng pagkain katabi si Mitch

"You did great Rana, Im so proud of you, even though you lose your cute cheeks"

"Thank you Azariah"

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon