Chapter 13

587 21 7
                                    

Sa tuwing magtatama ang paningin naming dalawa ay ako na ang kusang yumuyuko. Naalala ko pa rin kung paano ako kumaripas ng takbo ng halikan ako nito sa noo.

Kahapon lamang iyon at sariwang sariwa pa sa alala ko ang lahat.

"Ms. Nuñez pwede po ba kaming makisabay?" tanong ng dalawang tao sa harapan ko, lunch break at mag-isa lamang ako sa mesa sa loob ng cafeteria

"Sure, sit down" simula ng magtrabaho ako dito ay ngayon lang ulit ako may kasabay kumain"

"Vim po intern for designing department" pagpapakilala ng babae

"Vim? Pinaganda mo pa,  Luzviminda po pangalan niyan,   Ako naman po si Seke"

"Lakas mong laiitin yung pangalan ko tas papagandahin mo yung sayo? Seke, Seke ka diyan.  Segundo! " hindi ito pinansin ng binata at nauna ng umupo

"Gusto niyo po?"  Alok sa akin ng binatang lalaki, habang ang babae nitong katabi ay may pag-alala sa mukha

"No, thanks" at itinuon ko ang sarili sa pagkain

"Ang ganda ni Ms. Nuñez pero mukhang masungit"

"Mabait yan si Ms. Nuñez, sigurado ako"

"Mukhang istrikta, may asawa na kaya siya?"

"Ms. nga diba hindi pa Mrs."

Bulungang bulungan ang dalawa sa harap ko "Care to share, nasa harapan niyo lang akong dalawa"  biglang humarap ang mga ito sa akin at siniko pa ng babae ang lalaki

"Bakit po kayo nakahiwalay sa kanila?" Inginuso pa nito ang kumpol ng workers na sama sama na nasa katabi ng mesa  namin "Out of place din po ba kayo kagaya namin?"

"Sort of"  bukod sa wala talagang gustong sumabay sa akin ay wala talaga akong balak makihalubilo sa iba.

"Pero Ms. Nuñez yung ano?"  nagaalangan pa itong magtanong "yung"  umaangat ang daliri nito sa labi ko "yung ano niyo po"

Nginitian ko lamang ito at tumayo na "Enjoy your lunch"

Deretso lamang ang tingin ko sa unahan habang tinatahak ang mahabang hallway pagkalabas ng cafeteria. 

Agad na nanlaki ang mata ko at umikot ang sariling katawan  pabalik sa pinanggalingan ng makita si Mr. Greengrass

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil doon,  mabilis at malalaki ang hakbang kong pumasok at nagtago sa elevator.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago muling lumabas at dumeretso sa opisina, inayos ko na ang mga dokumento at reports.

Pasado alas dos na ng hapon ng tumunog ang intercom  indikasyon na may kailangan si Mr. Greengrass

Bitbit ang mga dokumentong posibleng kailangan nito ng tunguhin ko ang pwesto nito

"Mr. Greengrass here are the documents you need, also the latest proposal submitted by the director, here are the new concept design for accesories for the next 2 month's. According to Mr. Crouch he called earlier, he said that, please consider the pictorial he offer to you and lastly a royal request for Beryl.co to design and create a royal crown,  for the crown prince of Vanaheim  at kingdom of Iceland." hindi manlang ito kumibo sa dami ng sinabi ko pero ang mata ay nakatingin sa akin,

"Kumusta ang labi mo"

"Okay lang" maikli kong sagot  "By the way, may utos ka?"

"Ill check your lips" bigla itong tumayo at hinila ako para maupo sa hita niya, bigla akong napatayo ng tuwid dahil dun

"Okay na okay yung labi ko sir,  magaling na nga e!" dahan dahan ang atras ko mula sa pwesto nito 

"Sige sir, kung wala na kayong utos, may trabaho pa po ako"  halos takbuhin ko ang pintuan para makalabas ng opisina.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon