Chapter 17

580 18 22
                                    

"Good Morning Mr. Greengrass, you have lunch meeting today with foreign investor" ito na ata ang pang-apat  na beses kong ipaalala iyon sa kanya.

Sinadya ko na tambakan ito ng trabaho at punuin ang schedule  makaganti manlang dahil naiinis ako.

Hindi naman ito nagrereklamo at nagsalita kaya. Kung magrereklamo man siya ay hindi ko rin papansinin.

Lumipas ang ilang minuto ay pinatunog ko ulit ang intercom.

"15 minutes before your meeting Mr. Greengrass"

Nang hindi ito sumagot ay ako na ang nagkusang pumasok sa opisina niya.

Takadong nangunot ang noo ko ng wala ito doon. Nasaan na iyon.

Absent si Janna kay imposibleng gumagawa sila ng milagro

Malalaki ang hakbang kong tinungo ang kwarto nito sa taas. Marahan ko iyong binuksan upang hindi mabigla.

Iba ang inaasahan ko sa nakita ng mga mata ko.

Nakabalot ito ng itim na comforter nakadapa, hubad, nakapatong ang itim na unan sa ulo at mahimbing na natutulog.

Tambak ang trabaho pero nagawang matulog.

Malapad ang likod nito, pakiramdam ko ay masarap sandalan o di kaya ay magpiggyback doon.

Para akong nanay na nakapameywang na inuga ang katawan nito.

"Mr. Greengrass gising" bugnot na umungol iyo at mas idiniin unan sa ulo niya

"Gumising kana, may meeting ka pa"

"Let me sleep" malalim at paos ang boses niya.

"Mahalaga ang meeting na iyon, kaya tayo" hinampas ko ng unan ang likod niya at inuga uga iyon.

"Puta!" malakas nitong sigaw, mabilis itong bumangon at bugnot akong tiningnan

"This is my fucking company. I sleep when I want to. Im working myself out since yesterday. So out, and fucking let me sleep"

"Lahat ng empleyado mo ay nagtatrabaho, hindi lang kahapon. Maging magandang modelo ka naman." para akong nanay na pinagsasabihan ito. "Magtatrabaho rin ako simula kahapon at ilang oras lang ang tulog ko at wala kang narinig na reklamo. Kaya wag kang narereklamo diyan"

"Sinuswelduhan kita ng maayos. Dont argue with me. I want to sleep."

"You did not pay my overtime last month."

"Ill triple it today, let me sleep, wait what?"

"Anong wait what. Bangon na!"  Hinila ko ang braso nito.

"You just sleep a several hours?"

"Tinatanong pa ba yan? Sa dami ng hinihingi mo kahit restday ko nadadamay"

"Lets sleep" seryosong seryoso ito ng sinabi iyon

"Tumayo kana diyan and attend your meeting"

Iniwan ko ito sa kwarto niya ng hindi nililingon.  Pipigilan kong maging marupok hangga't maaari.

Muntik na akong mapatalon ng tumunog ang intercom.

"Tell that fucking investor to wait" hindi  ako nagkomento pa at ginawa ang utos nito.

Ene-enjoy ko ang oras na wala ang boss ko. Tinatapon ko sa ere a almonds at sinasalo ng bibig ng biglang pumasok si Mr. Greengrass dahilan kung bakit nagderederetso sa lalamunan ko ang almonds ng hindi manlang nangunguya

"Good afternoon Mr. Greengrass" 

Halata ang inis sa mukha nito, ang necktie ay naka loose ng kaunti

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon