Chapter 26

443 13 9
                                    

Sensitive Content
Read at your own risk


Tunog ng patak ng tubig sa lapag ang naririnig ko mula sa nakapiring na mga mata. Nag-eecho iyon sa buong lugar. May mahinang lagaslas rin ng tubig akong naririnig. Parang puno ng metal  at kulob iyon. Sa wari ko ay parang tunog iyon ng nasa loob ng isang tunnel.

Nanlalamig ang kamay ko kahit pa alam kong nakatali ang mga kamay ko sa higaan.  Alam kong nakatali rin ang mga paa ko. Nakapiring ang mga mata at may busal ang bibig.

Ayaw kong kumilos, ayaw kong mahalata at malaman nila na kanina ko pa naririnig ang usapan ng mga nagbabantay sa akin.

"Tiba tiba tayo rito"

"Tatlong daang libong piso, Pre! Hindi ko kikitain kahit sa loob ng limang taon"

"Ano kayang balak riyan ni Boss"

"Matagal na niya yang pinapasundan. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon"

"Gandang babae pare"

Pigil na pigil ko ang mapahikbi, hindi ito ang oras para matakot at manghina. Dapat ay hindi ako nagtampo. Dapat ay hindi ko pinairal at nagdesisyong umalis.

Natigil ako sa pagiisip ng marinig na tumigil sa paguusap ang mga bantay. Ugong ng tumigil na sasakyan at motorsiklo lamang ang naririnig ko.

"Boss" iyon lamang ang narinig ko ng may kamay akong maramdaman sa nakatali ko pang mga paa.

"Makinis, kagaya ng dati" nanindig ang balahibo ko ng maramdamang may mainit na hanging dumadaan roon. Nang maramdamang may mainit na bagay na dumampi doon ay buong lakas kung ginalaw galaw ang katawan ko bilang pagtutol.

Nakakadiri.

Nang lumuwag ang dalawa kong paa indikasyon na hindi na iyon nakatali, kinagat ko ang dila para pigilang sipain ang taong iyon.

Pigil ko ang gumalaw ng dahan dahang umakyat ang mga kamay niya sa binti ko. Naninigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung nakahalata ito dahil sandali nitong itinigil ang ginagawa.

Hindi ko na napanindigan ang pagtutulog-tulugan ng matanggal ang tali sa paa at kamay ko. Mabilis kong sinipa ang kung sino man ang nasa ibaba ko at patakbong umalis kahit nakapiring.

Nagmamadaling inalis ko ang telang iyon sa mata ko. Namumuo ang pagasang makatakas sa lugar na iyon.

Abot abot ang kabog ng dibdib ko ng makitang napakarami ng tao sa lugar na iyon. Hindi aabot ng isang porsyento ang potensyal na makatakas ako roon.  Nakahilera ang mga lalaking nakasuot ng itim. Pinapanuod ako.

Para bang biglang gumuho ang kaunting pagasang namuo sa dibdib ko ng makita siya sa lugar na sigurado akong kinalalagyan ko kanina.

May nakakaasar na mukha. Nakangisi.

Natauhan ako ng unti unti na itong tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at sinimulan kong tumakbo. Naghahanap ng daan palabas sa lugar na iyon.

Walang pumipigil sa akin. Walang nagtatangkang lumapit. Pinapanuod lamang nila ako na parang bang isang hayop na kinulong at desperadong makatakas.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon