Chapter 34

263 3 0
                                    

Everyone totally squeaks ng marinig ang pagkukuwento ni Autumn. Kanina pa nito binibida na natuto ng lumandi si Zephyr, nahuli niya raw itong naka abresete sa isang lalaki sa harap ng isang fast food chain sa mall.

Kabuwanan na nito, exercise niya raw ang maglakad lakad sa mall dahil hindi mainit.

"Naku! Babae ka, ang landi landi mo. Sino nagturo sayong maglambitin sa braso ng gwapong lalaki ha" para naman itong kiti kiti na inaakto ang ginawa ni Zephyr na nahuli niya sa akto.  "Infairness pogi ha, tama yan! Kapag gwapo nilalandi agad! Pasalamat ka, kung hindi ako buntis ay hinila ko na yang buhok mo" hinimas pa nito ang malaking tyan bago bumaling kay Margaux na pinapapak ang corn flakes na nasa kahon pa. Biglang sumama ang mukha nito ng makitang inilagay na ng huli ang corner ng box sa bibig indikasyon na sinasaid na nito ang laman ng box.

Napapikit ako ng pinukpok ng isang beses ni Autumn ang inagaw na kahon ng corn flakes sa ulo ng nakatangang si Margaux

"Anong problema mo?" hindi pa rin makapaniwala ang mukha nito

Napakamot ako sa ulo ng biglang humikbi si Autumn na siyang inabutan ng straight na nitong asawa.

"B-bakit mo i-inubos! Hindi ko po natitikman, nagiisa na to sa grocery store. Ito nalang ang cornflakes na iba iba ang color" lalong lumakas ang hikbi nito.

"What the hell happened? Are you hurt? Here sit down, let me check on you" halata ang pagaalala ni Kirsky pero hindi parin tumigil si Autumn " pumalahaw ito ng iyak habang tinuturo si Margaux.

"Mahal, she eats all of it! Wala na akong cornflakes"  para itong bata na inagawan ng laruan

"We'll buy agai—"

"No! Yan ang gusto ng baby ko, paano kung hindi mabuo ang paa niya? Yung brain? What if kulang ang daliri niya sa paa or kulang ang ngipin niya kapag lumabas siya" humagulhol na ito sa pagiyak. Malapit na itong manganak, siguradong nadevelop na ang dapat madevelop sa batang nasa sinapupunan nito.

"You're in third trimester,manganganak kana anytime babaeng season. Hindi kana naglilihi"

"Im not craving for it. Your child, wants it" malakas na humihikbi hikbi pa ito

"Alright, alright" hinalikan ni Kirsky sa noo ang asawa habang inaalo ito.

"Please understand, pregnancy hormones" tumango lamang kami, si Margaux naman ay my hawak na namang pagkain. Nailing na lamang kami sa kanya wala itong pakialam sa nagmamaktol na buntis. Mas mahalaga rito ang pagkain. Maingat na inalalayan ito ng asawa at dinala sa itaas ng bahay.

Lahat ng atensyon namin ay mapanuksong tumama sa kabadong ngiti ni Zephyr.

"Bakit?" iyon ang bungad niya samin, kitang kita ko ang paglikot ng mata niya.

"Sino yun?" agad na nagsalita si Margaux habang nagkakalkal ng kendi sa center table

"Oy~ kayo ha, curious, basta! May-ari ng Security Agency, Matangkad, Medyo chinito, Maputi, Masculine, Mayaman at ang mahalaga sa lahat" binitin pa nito ang huli "Gwapo! Bagay na bagay sa kagandahan ko!" sabay kamot nito sa ulo at akward na ngumiti

"Wow, detailed" sagot ni Margaux at bored na umirap si Azariah

"Paano manligaw?" Nakangiti ito na abot hanggang tenga habang kami ay napatanga na lang

"Sandali? I'm not mistaken right? Manligaw? As in courting?" Mabilis yung lumabas sa bibig ko

"Ikaw Morana ha, tumutuwid na yang letter 'r' mo, good job!" Nakathumbs up ito sa kin

"Dont change the topic, answer her, she's asking, kukutusan kita" masungit na sagot ni Azariah

"Yes! Tama ang rinig niyo manliligaw ako" proud nitong sabi "So" she paused "Any tips? advice? or something? suggestions or anything?" hope is in her eyes.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon