Chapter 10

686 18 4
                                    


Hindi makapaniwalang napatingin ako sa babaeng may kulay puting buhok at may ruby red na kulay ng mata. Eleganteng nakaupo sa gitna ng pangmaramihang sofa

"Are you really our friend Mitch?"

"Rana naman" ngumiti ito ng hindi umabot sa mga mata

"Anong ginawa sayo ng asawa mo? Mukhang kinulong ka sa loob ng bahay kaya naubusan ka na ng melanin"

"Tinanong ko na yan kagabi, nasagot na rin niya" si Margaux iyon na kumakain ng pancake

"She's an albino Rana"  si Azariah na ang sumagot noon at kumuha ng isang pirasong pancake sa plato ni Margaux

"Hoy! Akin yan Jack! Magluto ka ng sayo" inagaw iyon pabalik ni Margaux kaya nahati ang hawak ni Azariah sa dalawa.

"Kailan ka pa tinubuan ng bilbil?"   isang tanong ko pa at doon lahat sila ay napatingin sa tinutukoy ko.

Matagal ko itong hindi nakita, kaya kapansin pansin kaagad kong ano ang mga bagay na nagbago dito na mukhang hindi napansin ng iba

"Oh. That, its because i'm pregnant" hinihimas himas nito ang maliit na umbok sa tiyan nito

"O my gosh! Magiging ninang na ako!"  mula sa kusina ay patakbong dumating si Autumn.

"Your pregnant and you are here, nasaan ang asawa mo?" ani ni Azariah

Isang malungkot na ngiti ang sumilip sa mga labi nito  "He doesn't want me that's why, I le— I let him go"

"Ano?!  Tapos ano yan? Souvenier? Token?" malakas na pagkakasabi ni Margaux na sa sobrang pagkabigla ay iniwan ang pagkain at umupo sa harap ni Mitch

"Hindi niya yan pananagutan?"

"I guess so? Hindi niya malalaman,  I don't want my child to feel unwanted, by his own father, he dislikes me being his wife, and now, I have his child" namumuo ang luha sa maganda nitong mata "Our child, I dont want my child to be hurt, kaya hanggat maari, ako na ang maglalayo sa kanya sa sakit na iyon."

"Nandito lang kami, hindi ka namin iiwan, kagaya ng hindi mo pag-iwan sa amin noong mga panahong kami ang nahihirapan" nauna ng yumakap si Zephyr sa likuran ni Mitch

"Group hug!" ani ni Autumn at cue iyon para yakapin naming lahat si Mitch.

"It's okay bessy, marami ka namang pambili ng diaper and milk. Hindi mo na kailangan ng sustento"

"I know right!" proud pang sabi ni Mitch na pinupunasan ang luha. "Oh! By the way, I want you to see my new product purchase"

"Hulaan ko branded shoes?" hindi nito sinagot ang hula ni Azariah at patakbong umakyat sa hagdan

"Omg! Bessy! Malaglag ang bata!"

Natahimik kaming lahat ng mawala ito sa paningin namin. Hindi namin alam kung ano ang irereact sa sinabi nito.

"She's hurt, and letting go is the only option, at hindi niya 'yun gusto I can see it in her eyes, her husband must be left her with no other choice" hawak na naman nito ang pancake na nilapag nito kanina, kung paano niya nakuha ay hindi ko alam.

"Don't stress her, makakasama yun sa bata" kapag ganitong seryoso si Margaux ay alam naming totoo at may laman ang sinasabi niya

Lahat kami ay pare- parehong gustong lumuwa ng mata ng makita ang sinasabi nitong purchase product

Migaloo Luxury Submarine

"Magkano yan?" tanong ni Zephyr na gusto ko ring itanong kanina pa, ngunit hindi ko maibuka ang mga labi

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon