Chapter 7

565 16 0
                                    


Matapos ang nangyari kahapon ay wala ng sumunod doon. Buong akala ko ay tatambakan ako ulit ng trabaho o di kaya ay sisisantihin pero hindi,  normal ang pakikitungo ni Mr. Greengrass sa akin na para bang hindi nakakabahala ang sinabi niya kahapon.

Kinabahan ako para sa wala

Napaangat ako ng tingin ng basta na lamang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pabagsak ring sumara iyon

Bumungad sa akin ang blonde na babae na nakasuot ng pulang ally dress, itim na killer heels at ngumunguya ng bubblegum

"Good morning Ms."

"Morning" maarteng balik na bati nito, wala itong accent kaya sigurado akong Pilipina ito na nagpakulay lang ng buhok

"Do you need something miss?"

"Oh. Where is Lachlan?"

"Do you have an appointment to him?" naiinis na bumaling ito sa akin

"Do I need to? Just say that Natalie is here" eksakto namang bukas ng pintuan sa likod ko at iniluwa noon si Mr. Greengrass

"Ms. Nuñez I need the business proposal of Cro-" napatayo ako ng magsalita si Mr. Greengrass sa likod ko, pero napatigil ito at hindi na natuloy ang sasabihin ng makita ang babae.

"Lachlan! Babe" para itong ahas na basta na lamang lumingkis sa braso ni Mr. Greengrass

"Vivian, im sorry pero hindi ako umuulit ng babae" 

"It's Natalie babe, "  mahinahon ang pagkakasabi ng babae na parang walang pakialam na hindi siya matandaan ng lalaki

Gusto kong matawa, sa dami ng babae nito ay naghahalo halo na ang mga pangalan

Tinalikuran na ako ng dalawa at iniwan ako nagiisip ko kaninong business proposal ang hinihingi nito.

Ayoko naman itong sundan kung mahalay si Azariah ay mas mahalay ito

Hindi pa ako nakakabalik sa sariling pwesto ng bumakas na naman ang pintuan ng opisina ko

Iniluwa naman nun ang babaeng brunette na nakasuot ng blue violet na halter dress kitang kita rin ang magandang hubog ng katawan nito

"Is he inside? May I go in?"  mahinhin ang pagkakasabi niyon at may accent na british

"Pero mis-" hindi ko na natapos ang sasabihin ng dere-deretso itong naglakad at nilampasan ako, tuloy tuloy itong pumasok sa nakasiwang na pinto.

Mukhang palagi ito roon dahil alam nito kung saang bahagi ng opisina naroon ang boss niya.

Maya maya pa ay bumukas ulit ang pintuan ng opisina ko, pumasok doon ang morenang babae na nakasuot ng deep v neck crop top at pekpek shorts kung tawagin ng karamihan

"I'm here for your boss, and I have an appointment" muli nitong isinubo ang hawak na green na lollipop bago inilapag ang gold na card sa harap ko.

Isa lamang ang ibig sabihin kapag mayroon kang gold business card ni Mr. Greengrass.

'Just let the holder in' 

Dahil siya mismo ang nagbigay nun

Itinapat ko muna iyon sa scanner, nakahinga ako ng maluwag ng maggreen yun at hindi nagingay, ibig sabihin ay ito ang unang beses na ginamit nito ang card, kung sakaling nagpula iyon ay may kakaladkarin ako palabas ng kompanya.

"Thank you" sambit nito at pumasok na sa opisina ng boss niya.

Itinapon ko na rin ang gold business card nito,hindi na rin naman iyon pwedeng gamitin pa

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon