Chapter 28

375 11 4
                                    


"Morana may chismis ako sayo. Tadtad talaga ng kalandian tong si Autumn wala pang apat na buwan si Leucos ay buntis na naman! Ganyan ang epekto ng surprise wedding. Hindi manlang nagseminar ng family planning!"  nabuhay ang galak sa dibdib ko ng marinig ang balitang iyon. Minsan lamang chumismis itong si Margaux. Palaging pagtawag ng pangalan ko ang ginagawa niya.

"Kaya naman try mo ring gumalaw galaw or kumisap kisap. At isa pa kailangan mo ng magdiet. Ang taba taba mo na! Nakakagigil kang babae ka" Gusto ko siyang kurutin dahil sa sinabi niya.

"Oh my gosh! Omg! Like O to the M to the G! Okay kalma magisa lang ako dito. Bwiset kang babae ka. Kapag usapang katabaan at diet may epekto sayo.  Oh god she respond! I'll take note of that"

Hindi ko magawang tumuloy. Kitang kita ng dalawang mata ko ang dumadanak na pulang dugo. Malapit ba siya sa aking paanan at hindi ako makadaan. Maliban roon ay nakahandusay sa paanan ko ang mga walang buhay nilang katawan. Dilat ang mata at may dugong tumatagas mula sa sintido.

"Morana, take a step, please. Morana respond to me" hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Margaux. Parang napako ang tingin ko sa bawat patay na katawan ng mga lalaking iyon ang mga mata ko. Hindi ko magawang igalaw ang katawan. Nanginginig iyon sa takot.

Malapit na. Malapit na akong mawalan ng ulirat. At pagkatapos niyon ay magigising ako sa kwarto kung saan ako ng nagising sa lugar na ito.

Hindi ko maihakbang ang mga paa. Nangagatal ang mga labi ko habang nanginginig ang mga tuhod. Eto na ang pangapat na beses kong dadaan sa harap ng mga lalaking dilat ang mata pero  mga patay na.

"Morana, I know your nervous but you need to take a step. Nandito ako hindi kita pababayaan"

Takot may ay pinilit kong ihakbang ang nga mata. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng masangsang na dugo mula sa kanila. Lalo pang nanginig ang mga kamay ko ng makita na ang nasa paanan ko ay katawang naaagnas na. Nang ilibot ko ang tingin ay naaagnas na silang lahat.

Itinakip ko sa ilong ang mga nanlalamig kong mga kamay. Pabilis ng pabilis ang mga hakbang ko at wala na akong balak lumingon pa.

Napatili ako ng sumabit ang kanan kung paa dahilan kung bakit ako nadapa sa isang naaagnas na katawan.  

Natatarantang bahagyang kinusot ko ang laylayan ng puting damit na nalagyan ng pulang dugo.  Hindi ko gusto ang amoy niyong masangsang.

Hawak ang damit na tumayo ako tinanaw ang layo ng pinto na kailangan kong puntahan. Doon nanggagaling ang boses ni Margaux. Doon niya ako gustong pumunta.

Habang bumibilis ang takbo ko ay dumarami rin ang mga katawang nakahandusay sa sahig. Lahat ay patay na at  umaagos ang dugo sa katawan.

Malapit ko ng maabot ang pintuan ng marinig ko ang manyak at nakakainsultong tawa niyang iyon.

"Sige Morana" nangiinsulto tinig iyon na dumadagundong sa buong lugar   "Tumakbo ka hangga't gusto ko" nasundan iyon ng mahinang tawa "wala kang takas sa akin"

Mula roon ay kitang kita ko ang babaeng ako na tumatakbo palayo sa nakangisi at nakahubad na si Mr. Salcedo.

Kabado akong nanunuod  sa habulan ng biglang magtama ang mata naming dalawa at ngumisi ang buong akala ko ay susundan nito ang nagtatago sa sulok na babaeng ako. Pero lumiko ito at ako ang pinagtuunan ng pansin.

Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis ang kilos na tumakbo ako pabalik. Pabalik sa silid na kinaroroonan ko ng magising ako sa lugar na ito.



"Morana, I am here, hindi kita papabayaan" buo ang loob ko habang nakikinig sa lahat ng sasabihin ni Margaux.

"Hawak ko ang kamay mo. Ako ang gagabay sayo" hindi ito ang unang beses na sinundan ko ang sinasabi niya.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon